Kabanata 17:
Allyna POV
Nasa canteen kami at kumakain, kanina pa namin hinihintay si Allyda. Nasaan na ba yun? Tumingin ako sa gilid ko na which is si Allyssa.
“Nasaan na kaya yung babaeng yun?” bulalas ko. Nagkibit balikat lang siya. Hay!
“Aya na pala siya oh!” sabay turo kay Allyda na papasok na sa cafeteria.
“Bakit kasama niya si Karlwin? At natawa pa sila ah! Close na ba sila?” bulalas ko habang titig na titig doon sa dalawa.
“Malay ko…” walang pakialam na sabi ni Allyssa at pinagpatuloy na ulit ang pagkain niya.
Ano kaya ang nangyare at bakit kaya sila magkasama? Tss! Nang nakarating na si Allyda sa amin, pinaulanan ko kaagad siya ng tanong at siyempre hindi naligtas yung unggoy na kasama niya.
“Allyda bakit kayo magkasama? At bakit ka may Jacket diyan!”
“Ang taray mo na naman!” mahinahong utas niya.
“ Hello! Paano ako hidni magtataray eh, nag cr ka lang hindi kana bumalik. Ano nilamon ng Cr…” Hay!
“Inaway kasi siya nila Amanda, Riza at Jessica, binuhusan din siya ng juice kaya pinahiram ko muna ang jacket ko…” mahinahong sabi ni Karlwin.
“Sino na naman yung mga yun?” sigaw ko.
“Sila yung tatlong The Triiple A.” paliwanag ni Karlwin. What the! Talaga bang hindi nila kami titigilan…
Tumingin ako kay Allyssa, ramdam ko na galit na yan… si Allyda naman nakayuko lang, takot ata mapagalitan ni Allyssa. Si Allyda kasi yung tipo ng taong hindi lumalaban kahit sinasaktan na..
“Easy lang mga dude! Pinarusahan ko na!” biglang singit ni Karlwin.
Tiningnan ko siya ng masama. “Huwag ka ngang sumabat dito, hindi ikaw ang kausap ko…”
“Ou na! ito na nga oh” sabay zipper niya ng bibig niya. Umupo ako para makausap si Allyda na ngayon ay natatakot na ata sa itsura ni Allyssa.
“Allyda. Ano ba ang ginawa nila sayo?” mahinahong tanong ko para hindi siya lalo kabahan.
“Wala naman! Nagtaray lang at binuhusan nila ako ng juice pero dumating naman din kaagad si Karlwin kaya wala na yun” paliwanag niya
“Anong wala?” sigaw ko. Hinawakan naman kaagad niya ang kamay ko para tumigil ako kakasigaw.
Ou na nga, titigil na…
“Ok lang naman ako guys. Natapunan lang naman ako ng Juice. Wala na yun! Huwag niyo nalang palakihin ang gulo”
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
أدب المراهقينBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...