Kabanata 30:

717 17 0
                                    

Kabanata 30:

Allyna POV

[3 Days left]

Nandito na kaming tatlo sa airport… kinakabahan talaga ako sa plano ni Allyssa. Alam kung ano mang oras mula ngayon ay hinahanap na kami nung tatlo.

[Flashback]

“Allyssa! Itutuloy ba natin to?” nagaalalang tanong ko.

“Ou!! Akin na yang kamay mo, Cellpnone at yung damit mo na sinuot mo hubarin mo…” ginawa ko naman ang sinabi niya. Pero nung ilalahad ko na ang kamay ko, nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Sinugatan niya ito at pinatulo ang dugo doon sa damit ko at pati doon sa Cellphone ko… ang hapdi ng kamay ko…

Ganun din ang ginawa niya kay Allyda…

Kilala ko si Allyssa, pero hindi ko alam na ganito siya ka pursigido sa laban na gusto niyang iparating kila Xhander.

Matapos naming gawin yun! Past 10 na din ng gabe. At sure kaming tulog na yung mga yun sa kabilang tent. Nagpalit kami ng damit para maayos naman ang itsura naming papunta sa Airport.

Pagkalabas namin ng tent. Dahan dahan kaming lumabas at umalis sa lugar na yun.

May nadaanan kaming bangin at doon lalong kumabog ang dibdib ko…

Nakita ko nalang na inihagis na ni Allyssa ang mga damit namin na may kasamang dugo doon sa bangin na yun. Gumawa din siya ng parang may nadulas doon, nagiwan din siya ng flashlight para sabihin na nadulas kami doon. Iniwan niya din ang bracelet niya na bigay ni Tita sakanya. Mangiyak ngiyak kami ni Allyda habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya…

Hindi ko inaasahan na sobra siyang nasaktan nung namatay si Tito hindi naman siya ganito ka-grabe! Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano ba tong ginagawa niya… Alam kong nakakatakot na si Allyssa! Pero hindi ko din siya masisisi. Nung nalaman ko din na plano lang pala nila ito. Halos bagsakan ako ng langit at lupa. Hindi ko inaasahan na peke lang pala ang pinapakita saakin ni Luigi nung mga panahong hinahawakan niya ang kamay ko at hinahalikan ako. Hindi ko inaasahan yun! Pero side of me agree sa ginagawa ni Allyssa, kasi kahit papaano. Matatakasan na namin sila. Matatakasan na namin ang mga lalaking nagbigay ng saya and at the same time sobrang lungkot na magtutulak saamin ng kabaliwan…

We need to leave this country as soon as possible kasi kapag hindi mangyare yun magbibigay ito saamin ng sakit na kabaliwan.

We are suffering from a TRAUMA  in the past and another TRAUMA came.

[End of Flashback]

Nagising ako sa pagkakatulala ng marinig ko ang flight namin na tinatawag na. napatingin ako sa dako ni Allyssa, tulala lang siya! Si Allyda ganun din… nakakita kasi ng dugo kaya ganyan! Kailangan na talaga naming magpatingin. Feeling ko lumalala na kami…

Kailangan namin to maagapan…

“Tara na” pambasag ko. Napatingin naman sila saakin at nagsitunguan.

The Dancers Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon