Kabanata 35:
Allyssa POV
Another 2 years passed. Ang bilis ng panahon. 3 years na kaming naninirahan dito sa France and kami na din ang nagha-handle ng mga businesses namin. Pinag pahinga na namin sila Mama. Gusto na naming mag enjoy naman sila sa buhay nila hindi yung puro trabaho sila. Kami nang tatlo ang namamahala ng mga business namin dito sa pilipinas at may Malaki kaming kinakaharap na problema…
Kailangan naming bumalik ng pilipinas para ayusin ang problema sa isa sa ginawang hotel nila Mom.
Five star hotel siya at isa siya sa leading hotel sa pilipinas. SADANA Hotel kung tawagin, halos lahat ng businessman alam ang hotel na yun kasi halos yun ang meeting place ng mga businessman.
Nasa bahay kami at nag di-disscuss kung sino ba ang pupunta ng Pilipinas kaso kanina pa kami dito naguusap at wala paring napupuntahan ang usapang ito kasi ayaw nung dalawang babae na pumunta mas lalo naman ako…
Hello! Kinamumuhian ko kaya ang lugar na yun, tapos babalik ako para makipagdeal sa mga investor. Dibale nalang!!
“Ikaw nalang kasi Allyna” sabi ni Allyda
“Kaw na!” napapikit nalang ako. Mga busit! Kanina pa sila ganyan…
“Ok para walang lamangan! Lahat tayo pupunta ng Philippines” sabi ko na kinagulat nila.
“WHAT?”
Sinamaan ko sila ng tingin… “Sige subukan niyong magreklamo at papatayin ko kayo!!”
Nanahimik naman agad yung dalawa at agad na nagsitungo ng kwarto pero nasa hagdan palang sila ng bigla akong magsalita.
“Bukas ang flight! Huwag na kayo magdala ng damit. Bumili nalang tayo doon ng mga damit. Guys we need to settle this as soon as possible. Kung natatakot kayo sa maaaring mangyare, ganun din ako! Basta kapag nakita niyo sila, umiwas na kaagad kayo para wala ng gulo. Kapag natapos na din naman ang gulong ito babalik na din naman tayo agad… and don’t worry about your boyfriend maiintinduhan nila ito…” sabi ko
Rinig ko ang sabay sabay nilang pagbubuntong hininga…
Nasa eroplano na kami ng bigla akong magsalita.
“Allyda! ang tawagan natin sa pangalan natin ay hindi sa palagi nating tawagan. Tatawagin kitang Railen, ikaw naman Allyna Lenil at Jailo nalang ang itawag niyo saakin para hindi tayo masyado makilala bilang si Allyssa, Allyda at Allyna…” nagsitunguan naman kaagad sila sa sinabi ko…
THIRD PERSON POV
[Philippines]
[SADANA HOTEL]
Habang aligaga ang mga tao ng hotel kasi nabalitaan nila ang pagpunta sa pilipinas ng mga owner para icheck kung maayos ba ang pamamalakad at narinig din nila na napakatalino ng mga ito kaya natatakot sila na baka PERFECTIONIST ito at baka masusungit kaya grabe nalang ang pagaayos nila para lang masatisfy nila ang kani-kanilang mga Amo. Nabalitaan din nila na marami itong kahaharaping mga investor para sa hotel kaya sila nandito at para na din maayos ang mga kinakaharap ng hotel na bad image.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Fiksi RemajaBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...