Kabanata 5:
Sa lahat ng kilala kung Nerd kami lang ata ang palaban o baka dahil kasi hindi naman talaga kami Nerd kundi nagpapanggap lang. Hay naku! Break na namin ngayon at nandito kami sa may Cafeteria kumakain. Buong klase akong irita sa presensya nung tatlo, kung makapangasar at makapang bully kasi saamin kala mo Hari ng school. Ka bago bago ganun agad sila. Bute nalang talaga nakakapag timpi ako sakanila.
“Allysa anu na naman yang mukha mo?” nagtakang utas ni Allyda habang nakatingin ng serysos saakin.
“Wala! Badtrip lang yung mga lalaking yun. Ka bago-bago kala mo napaka gwapo…”
“Gwapo naman talaga sila ah!” singit ni Allyda. Hindi ko talaga maintindihan itong si Allyda, minsan kampi saami minsan naman hindi mo alam.
“Tsss” yan nalang ang nasagot ko at agad na kumain doon sa harap nila.
Tumingin ako kay Allyna na ngayon ay parang sasabok na anu mang oras. Ano na naman baa ng problema ng babaeng ito?
“Hoy!” tawag ko sakniya. Medyo natauhan naman siya.
“Ano ba ang problema mo at para kana namang bulkan diyan?” sabi ko sabay subo ng pagkain.
“Nakakainis naman kasi yung mga Unggoy na tatlong yun. Akala mo kung sinong pinadala ng langit para ihulog sa lupa. Ang yayabang! Kung maka pambully satin parang laruan lang eh” inis na sabi niya.
“Huwag niyo nalang pansinin…” malambing na sabi ni Allyda. Hay naku! Nagmamala BIRHEN na naman itong babaeng to.
Hindi nalang ako umimik. Si Allyna naman inirapan lang si Allyda.
“Paano naman ako mananahimik, kung lagi nila tayong binubully ng ganun!”naku galit na si Allyna.
“Guys. Naalala niyo naman yung pinagdaanan natin at pangako natin diba. Huwag nalang tayo gumawa ng hakbang para walang makakilala satin” paliwanag niya.
Nagkibit balikat nalang ako. Kahit ako ang leader saamin, minsan pinipili ko nalang tumahimik kasi may Point din naman si Allyda.
Kita kung tumingin saakin si Allyna, mukhang inaantay niya ang sagot ko.
Hay Naku! Kapag kailangan talaga ng desisyon bakit laging nasa leader ang huli…
“I think tama si Allyda. Matagal tayong nagtago at kung bigla tayong lumaban baka may makakilala satin at baka mapahamak na naman ang pamilya na prinotektahan natin. Tiisin nalang natin lahat ng ito…” seryosong utas ko.
Napabuntong hininga nalang si Allyna. Mukhang hindi niya gusto ang desisyon ko. Tss para naman ito saming lahat eh.
“Bahala kayo! Kung yan ang gusto niyo” sabi ni Allyna at biglang kinuha ang pagkain na nasa harap niya.
Matapos naming kumain aalis na sana kami kaso may biglang tumabi saamin. Putek sila na naman, hindi ba talaga nila kami tatantanan.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Novela JuvenilBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...