Kabanata 33:
Allyna POV
“Pwede bang manligaw?” nagulantang ako sa sinabi saakin ni J.R. Isang taon na kasi kaming magkakasama dito sa France. Ou isang taon na ang lumipas at ngayon wala paring pinagbago! Sila pa din talaga. Hay ano kaya ang isasagot ko dito sa lalaking to…
“Pwede ba J.R huwag mo nga akong pinaglololoko” iritang utas ko sakanya. Magkaklse kasi kami…
“Hindi naman ako nagbibiro ah! Seryoso ako…” tinitigan ko siya sa mukha. Seryoso nga siya. Pero ayoko pa din. Friends zone lang talaga!
“J.R naman. Alam mo naman na hanggang friends lang naman talaga tayo diba?” seryosong utas ko sakanya.
Ngumiti naman siya ng malapad. Problema nito?..
“Ayan. Seryoso kana magsalita!! Haha! Gustong gusto ko talaga kapag seryoso ang mukha mo…” putek akala ko seryoso na, nagbibiro lang pala. Hay!
“Aray!!” piningot ko nga. Lakas ng trip eh.
“Sa susunod nga huwag mo akong pinaglololoko…”
“Opo master!!”at nagsaludo pa siya saakin.
Sa isang taong lumipas, masasabi ko lang na sobrang naging close kaming anim. Si Allyssa naman ayun tahimik pa din pero madalas na siyang ngumingiti. Hindi katulad dati…
Naglalakad na kami sa may Hallway ng bigla akong tanungin ni J.R
“Allyna!” tawag niya saakin…
“Bakit?”
“Kailan ang shoot mo para sa magazine dito sa France?” tanong niya…
“Bukas na bakit?”
“Sama naman ako! Gusto kasi kitang makitang nagpo-pose sa harap ng Camera.” Napa smirk naman ako… Tss!
“Bahala ka!”
Ngumiti naman ng loko …
Bukod sa pagaaral ng maayos ditto sa France. Nadiscover din akong model material ng isang sikat na company dito sa France. Actually tatlo kaming niyaya na mag model kaso tinanggihan nung dalawa kong kaibigan kasi hindi daw sila interesado sa mga yan. 6 months na akong nag momodel at masaya talaga ako sa ginagawa ko. Feeling ko nga mas gusto ko nalang mag model habang buhay kaysa sa magpatakbo ng business. Joke! Pero mas priority ko rin talaga ang business namin, kasi kahit papaano naaaliw ako sa pagpapatakbo nito and besides magkakasama kasi kaming tatlo. Oh diba bonding na din. Haha!!
Pagkapasok ko ng room ni J.R agad na pinaulanan ako ng mga camera ng mga kaklase ko na Alien magsalita. Hay! Wala eh sikat kasi… pero natutuwa talaga ako kasi sikat na sikat ako dito sa france yung tipong maglalakad ka lang sa daan, may hahabol sayo kaya ang nangyare naghabulan kami sa daan. Saya lang kaya ng feeling haha!!
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Teen FictionBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...