Kabanata 50:
Allyssa POV
*Dingdong*
Nagising ako ng maaga ng marinig ko ang napaka ingay na doorbell na yun. Tss!
“Sino naman kaya yan?” sabi ko habang napikit pikit pa. nakabalik na kami sa bahay namin, yung bahay na binigay saamin nila Mama nung nandito pa kami ng pilipinas.
Pagkabukas ko ng pintuan. Nagulat nalang ako ng may biglang labi na dumapo sa labi ko. WTH?
Nagising ang diwa ko doon ah!!
“Bakit ka ba nanghahalik? Ang aga aga!” galit na utas ko. Kainis kaya! Bagong gising tapos ki-kiss ka. Pero sweet din. Haha! Kilig :)
“Ginigising lang kita! Maligo kana! Gisingin mo na din sila Allyda at Allyna. May pupuntahan tayo!” sabi niya.
“Ha?! May trabaho pa kami..”
“Ok na! tinext ko na si Arvin na hindi kayo papasok…”
“Saan ba kasi tayo pupunta?” naiiritang tanong ko.
“Basta! Dalian niyo na. hintayin namin kayo sa labas ah…”
“Ok sige.” At nilayasan ko na siya doon. Tss! Ano kaya ang meron at kailangan pa namin umabsent sa trabaho. Tsk. Tsk.
Pagkaakyat ko sa kwarto ko, diretso kaagad ako sa kwarto ng dalawa para pagsigisingin sila. Tss! Saan naman kasi kami pupunta…
****
Pagkalabas naming tatlo sa bahay namin, nakita kaagad namin ang tatlong may sala kung bakit hanggang ngayon ay inaantok pa din kami.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko
“Sa isang lugar na alam kong sobrang na miss niyo na!!”
Saan naman kaya yun?. Tss
Hinayaan nalang namin sila. Wala naman siguro silang gagawing masama saamin diba?.
Umidlip muna ako sandali at sa pag gising ko. Napangiti ako bigla.
I miss this place so much. Our school.
Napalabas ako sa sasakyan namin at namangha na Makita ulit ang school ko.
Nasa labas na din pala sila Allyda.
Naglakad kaming lahat papasok doon sa loob ng school. Una namin pinuntahan ay ang room namin na pilit kong inalala ang mga kalokohan namin nung nandito pa kami.
“ano masaya ba?” tanong saakin ni Xhander habang nakatitig saakin.
“Ou. Namiss ko yung kulitan natin dito…” sabay turo ko ng upuan namin noon.
“Ako din. At na miss ko din yung first kiss natin…” namula tuloy ako sa sinabi niya. Ou nga pala dito niya unang nakuha ang first kiss ko na iniingat ingatan ko.
“Uy. Nag bu-blush…”pangasar niya saakin. Tss!
“Hindi ah… natutuwa lang ako maalala ang XEKELEN KITA DIYAN EH…”pambawi ko naman.
Napikon ata. Haha! Sumimangot kasi.haha! asar talo naman din pala. Tss
Sunod naming pinuntahan ay ang gymnasium na kung saan dito ako kauna unahang napahiya about doon sa pagsasayaw. Namiss ko talaga ito.
Bakit kapag binabalikan mo ang isang o isang ala-ala napapangiti ka nalang? Siguro kasi natutuwa ka na maalala yung mga kapalpakan na ginawa mo dati?.
“Naalala mo ba tong lugar na to?” tanong ulit saakin ni Xhander. Tss!
“Hindi naman ako nagka amnesia noh…”
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Подростковая литератураBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...