Kabanata 45:
Allyssa POV
Pagkaalis namin ng restaurant na iyon, diretso naman din kaagad kami sa Hotel. Kasabay ko si Chris at Xhander sa sasakyan ko. Si Xhander ang nagmamaneho at katabi naman niya ako, nasa likod naman namin si Chris na kausap ang girlfriend sa Phone. Tss! Di man lang nahiya!!...
“Saan ka?”biglang tanong saakin ni Xhander ng makalabas ako ng kotse niya.
“Ha! Magpapahinga na…” sagot ko. Tss! Pagod kaya ako…
“Ah ganun… sige samahan na kita!” ano daw??
“Ano?”
“Sabi ko samahan na kita!!”
“Bakit?” naguguluhang tanong ko.
Lumapit siya saakin at bumulong… “Gusto kasi kita makasama!!”
Grabe kinilabutan ako sa sinasabi niya…
“Aray!!” bintaukan ko nga. Walangya to…
“Tigilan mo nga ako. Xhander. Hindi purket ok na tayo ay pwede mo na akong samhan sa room ko…”
Aba! Ngitian lang ako… Tss.
“Awat na nga yan.. kanina pa tayo hinihintay nila Allyda sa may beach. Bonfire daw…” biglang singit saamin ni Chris.
“Para saan daw?”walang kwentang tanong ko.
“Wala lang!!...” Tss. If I know gusto lang mag celebrate nitong mga to. Tss!
“Tss. Sige una na kayo. Magbibihis lang muna ako” paalam ko.
Tumango naman kaagad si Chris at umalis na sa harap ko. Binaling ko naman ang tingin ko kay Xhnader na nasa gilid ko at hindi padin umaalis.
“Ikaw! Ano pa ang ginagawa mo dito?”
“Ako ba?”
“Ay hindi. Ako ata!!”pambara ko. Kainis! Pagod na nga ako ang slow pa niya. Tss
Ngumiti na naman ang loko…. Kapag ganyan talaga ang ngiti niya nakakapangakit. Tss!
“Sabi ko nga sayo diba sasamahan kita…”
“Tigilan mo nga ako Xhnader.”
“Ou nga sasamahan kita. Hintayin nalang kita sa labas ng room mo! Baka kasi mawala kana lang ulit bigla eh…”
“Hindi naman ako mawawala noh..”
“Huwag ka na nga magulo. Basta sasamhan kita. Period..” Ou na sige na! sumama kana. Pasalamat ka at kumanta ka kanina kundi kanina pa kita sinipa sa kakulitan mo. Tss.
Pagkapasok namin ng hotel halos lahat ng empleyado at mga tao doon ay natuon ang atensyon saamin. Grabe naman kasing maka akbay itong si Xhander! Bulgar kung bulgar. Kahit anong pilit kong tanggal ng kamay niya sa balikat ko pilit niya paring binabalik, kaya pinabayaan ko nalang. Nakakapagod kayang magtanggal. Tss!
“Allyssa!!” malumanay na sabi niya habang nasa loob kami ng elevator.
“Hmmm”
“Naging kayo ba ni Chris?” halos mahimatay ako sa tanong niya. Tss! Anong pumasok sa utak nito at ganyan ang tinatanong.
“Bakit mo natanong?”
“Napansin ko lang kasing masyado kayong naging close…”
Tss! Eh naging bestfriend ko kaya yun sa France. Tss.
“Hindi naging kami. We were just friend. Di ba nga sabi ko sayo kung friend lang ang turing ko sayo it means hanggang friend lang talaga tayo. Kumbaga FRIENDZONE ka lang…”
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Dla nastolatkówBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...