Kabanata 22:

954 20 0
                                    

Kabanata 22:

Allyssa POV

Paggising ko kinaumagahan, nagulat ako kasi bakit may katabi na ako?. Seriously sino to? Imposible namang sila Allyna kasi takot yun na tumabi saakin. Agad akong napabangon at nanlaki ang mata ng Makita ko kung sino ang katabi ko ngayon? WTH?.

“A-Ano ang ginagawa mo dito?” gulat na tanong ko.

“Ano pa edi ginigising ko ang GIRLFRIEND ko” nakangiting utas niya habang feel na feel ang paghiga sa kama ko.

“Sino may sabi sayo na pumasok ka dito?” galit na tanong ko. Grabe hindi ko to inaasahan, kahit sino ni wala pang nakakapasok na lalaki sa kwarto ko. Siya palang!. Kainis..

Ngumiti siya ng nakakaloko. “Wala. Ako lang!”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Sa susunod huwag na huwag kang papasok sa kwato ko ng hindi ko alam”

Ngumiti na naman siya. Busit hindi ba siya titigil sa kakangiti?.

“Gusto kasi kita Makita sa bagong umaga” parang asong sabi niya.

“Ay sorry! Hindi ako nainform na naluluma pala ang umaga. Tss”sabay tayo sa kama. Sinamaan ko siya ulit ng tingin… “Ano pang ginagawa mo diyan!?”

“Ha! Edi ginigising ka”

“Mukha pa ba akong hindi gising! Gusto mo sipain kita?”panakot ko sakaniya.

Tumawa siya… “Ang cute mo talaga kapag nagagalit at kapag bagong gising”

“Dapat na ba akong matuwa o dapat ko na talagang sipain ka”

“Haha! Ou na ito na aalis na ako…” at tumayo na siya sa kama ko.

Tss! Aalis din pala, kailangan pang tinatakot eh…

“Paalala ulit. Huwag na huwag ka ng pumapasok sa kwarto ko. Bawal ang hayop dito” sabi ko at sabay sara ng pinto sa CR.

Naligo ako at nung matapos agad na din namang bumaba sa sala. Nandoon na din silang lahat including sila Xhander at yung dalawa pang unggoy. Tss!

“Good morning” nakangiting bati saakin nung dalawa na si Allyda at Allyna. Himala good mood ata sila ngayon. Tss!

Inisnaban ko lang sila at agad na akong nagtungo doon sa kusina. Gutom na ako! Masyado pa namang maaga para umalis kami ng bahay. Hindi pa naman kami malalate.

Agad lumapit saakin ang dalawa. Pansin ata nila na galit ako tss.

“Allyssa. Sorry na! hindi ko naman kasi alam na sasama pala dito yung dalawa” sabi ni Allyda. So siya pala ang may pakana.

The Dancers Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon