Kabanata 13:
[Part 2]
Hindi ko alam kung saan ba ako dinala ng kumag na ito, pero base sa nakikita ko. Nasa mataas na bahagi ng lugar kami. Lumabas siya at lumabas na din ako, alangan namang magpaiwan ako dito diba! Like Hello! Ayokong ma suffocate sa amoy ng sasakyan niyang parang pinaliguan ng pabango. Ang sakit sa ilong!!
Pagkalabas ko, agad akong namangha sa nakikita ko sa paligid. Ang ganda!! Kita mo ang buong syudad, feeling ko nasa bundok kami, kita kasi mula dito ang dagat! At buong syudad.
“Ito yung sinasabi ko sayong langit…” biglang sabi niya
Pwede na din nating sabihing langit, maganda naman eh!!
“Bakit mo ko dinala dito?”tanong ko
“Wala! Gusto ko lang mapatunayan sayo na hindi ako demonyo para palagi mong pagsungitan…”
Napangiwi naman ako sa sinabi niya… “Ikaw naman kasi ang nangunguna…”
“Ikaw kaya! Wala pa nga akong ginagawa sayo, nangiirap kana kaagad…”
“Hoy lalaki. Talagang ganyan lang ako makatingin sa isang tao mas lalo na kung ayaw ko sakniya…”
“So ibig sabihin ayaw mo saakin?” nakatitig na siya saakin.
Napalunok ako sa titig niya… “Ou!”
“Bakit?”
“Ang yayabang niyo, akala niyo kayo ang hari ng mundo akala niyo mapapainlove niyo lahat ng babaeng matipuhan niyo. Akala niyo!! Napakagaling niyo sumayaw, kung makapanghamon kayo… akala niyo lahat ng tao luluhod sa harap niyo para mapansin niyo…” galit na sabi ko habang nakatingin sakaniya.
“Ou totoong ganun kami… dati… nung wala pa kayo. Kasi totoo naman talaga na lahat ng babae napapainlove namin, halos lahat ng tao napapaluhod namin, pero nung dumating kayo! Kayo lang ata ang babae na hindi nahulog sa patibong namin..” nakangisi niyang sabi
“So ibig mong sabihin. Kung mahulog man kami sainyo, lahat yun patibong lang?”
“Ou! Pero iba kayo. Ni tingnan sa mata hindi niyo maibigay saamin, at ang mas malala pa, napahanga niyo kami sa pagsasayaw niyo, na kahit yung The Tripple A Dancer ay napabeleive niyo”
Ang sinasabi niya bang The Tripple A Dancer ay yung mga impostor…? Eh hindi naman kasi sila ang tunay diba?
No comment nalang ako diyan, baka madulas pa ako…magalit pa si Leader.
“Magcecelebrate na ba kami dahil napahanga namin kayo?” pambara ko sakniya
Napakamot naman siya ng ulo… “Wala talaga akong panama sayo!”
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Novela JuvenilBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...