Kabanata 40:
Allyna POV
Matapos umalis ni Allyssa. Nagyaya naman itong boyfriend ko na lumabas, hindi ko siya matanggihan kasi kahit papaano nakakamiss ang presensya niya.
“Saan tayo?” malambing na tanong niya.
“Sa dulo ng walang hanggang…” sagot ko. Ngumiti naman ang loko…
“So ibig sabihin, sasama ka saakin sa dulo ng walang hanggan?...” eto ang gusto ko kay J.R. hindi siya napipikon sa halip pinapangiti niya ako.
“Bahala ka!!”
“Talaga? So ibig sabihin pwede na kitang makasama ng habang buhay?” nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niya… Siya ba talaga ang gusto kong makasama?..
“Tara na nga!!” yan lang ang nasabi ko. Minsan kapag tinititigan ko si J.R nakakaramdam ako ng sakit sa mga mata niya. Parang sa simpleng sagot ko alam na niya kaagad ang ibig sabihin…
Si J.R siya yung tipo ng lalaking gagawin ang lahat sumaya ka lang. kaya nga hindi ako nagsisisi na sinagot ko siya kasi lahat ng nararamdaman ko alam na alam niya. Parang gusto niyang saluhin lahat ng sakit na nararamdaman ko para lang sumaya na ako. Ganun siya! Mas ok nang siya ang masaktan huwag lang ako…
Pagkarating namin ng Mall. Nag shopping lang kami lahat, siya ang taga bitbit ng pinamili ko, nanuod din kami ng sine. Puro kami tawanan maghapon.
Pagkauwe namin, asaran at kwentuhan lang din ang nangyare sa may Sasakyan.
Nasa lobby na kami ng humarang bigla si Luigi sa daraanan namin..
“Ano yun?” mataray na tanong ko.
“Allyna. Can we talk?”
“Hindi mo ba nakikita. Nandito ang boyfriend ko. Kung pwede sa ibang araw nalang. Aasikasuhin ko pa siya…”
“Please Allyna…”
“Dude. Narinig mo naman si Allyna diba. Ayaw ka niyang makausap. And besides ako ang boyfriend, dapat saakin ka muna nagpapaalam kung papayag ba ako…”
Hindi pinansin ni Luigi ang sinabi ni J.R sa halip hinawakan niya ako sa braso at nagmamakaawang kausapin ko siya.
“Allyna. Kailangan lang kitang makausap…”
“Pwede ba Luigi! Ayoko nga…”
“Allyna…”
“Teka lang… Girlfriend ko na yan eh. Wala namang bastusan…” biglang singit ni J.R at hinila na din niya ako kay Luigi…
“P*UTANGINA. Naman oh!. J.R gusto ko lang siya makausap…” galit na utas ni Luigi.
Kinakabahan na ako sa pwedeng mangyare. Para na kasi silang magsasapakan anytime…
Bumuntong hininga ako at hinawakan ko ang kamay ni J.R… napatingin din naman siya sa mga kamay ko at si Luigi ay nakatutok lang sa mga kamay ko.
“Sige na. kakausapin ko na muna siya. Mauna kana lang muna sa room namin. Susunod nalang ako…”
“Pero-”
“Ok lang ako promise….” At agad ko siyang hinalikan sa pisnge…
Ngumiti naman ang loko. “Ok sige…”
Pagkaalis ni J.R. tinuon ko naman ang tingin ko kay Luigi na nakatingin lang sa mukha ko or maybe sa labi ko… Ano na naman ba ang problema nito…
Napansin kong may kinuha siya sa bulsa niya. Isa iyong panyo. Ano naman kaya ang gagawin niya sa panyo na hawak niya. Hay!!
“Magsalita ka-” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang punasan ang labi ko gamit ang panyo na hawak niya. Ano ba ang ginagawa niya…
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
JugendliteraturBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...