Kabanata 41:
Allyda POV
Nasa may beach lang kami ni Alex habang nagkuwentuhan ng biglang sumulpot si Karlwin sa gilid ko at bigla akong hinila. My Gad.
“Karlwin! Ano ba?” nagpupumiglas na utas ko.
Binitiwan naman agad niya ako at bigla nalang niya akong hinalikan sa harap ni Alex. My god!!
Nakita ko nalang na nakahilata na si Karlwin sa buhanginan habang nakapatong sakanya si Alex at panay ang suntok sa mukha niya.
“Tama na! alex” sigaw ko. Naiiyak na ako sa nakikita ko.
“ALEEEXXX tama na!!” para bang hindi niya ako naririnig panay lang ang suntok niya sa mukha ni Karlwin. Kinakabahan na ako! Baka kung ano ang mangyare sakaniya.
“Alex. Tama na!!” naiiyak na ako.
Huminto naman din kaagad siya sa pagsuntok kay Karlwin.
“Ok ka lang ba?” tanong ko nang makalapit na kay Karlwin… Sunod sunod na tumulo ang luha ko ng makita ko ang duguang mukha ni Karlwin.
Naguumpisa na namang manginig ang katawan ko. Nakakatakot! Naalala ko na naman ang pagkawala nila Papa. Dugo! Dugo…
Tumango si Karlwin na kinadahilan ng lalo ng pagiyak ko. Ayoko ng nakikita siyang duguan at ganito.
Kahit na nahihilo na ako sa dugong nakikita ko, kinaya ko para lang malaman niya na nandito lang ako at handa kong gamutin ang bawat sugat niya…
Itatayo ko na sana siya kaso bigla akong hinila ni Alex.
“Allyda!... hanggang ngayon parin ba!!” nanginginig na ako… Gusto kong sabihin sa kanya na Ou mahal ko parin siya kaso umuurong ang dila ko kasi kapag sinabi ko yun. Alam kong masasaktan ko si Alex.
“Alex. Please!!” pagmamakaawa ko sakanya..
“Hindi ito pwede Allyda!! Mahal kita. Wala bang nangyare? Wala pa rin ba?” tuloy tuloy na tumutulo ang luha ko sa mga sinasabi ni Alex. Masakit sabihin sakaniya na walang nangyare sa relasyon namin…
“Please. Alex. Duguan si Karlwin, hayaan mo muna akong gamutin ang sugat niya…” imbes na pabayaan niya ako mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kamay ko na kinadahilan para masaktan ako…
“Ganyan ka ba talaga Allyda! Matapos kang gaguhin babalikan mo padin…”
Patuloy lang ako sa pagiyak habang sinasabi yan ni Alex. Im sorry Alex, pero siya pa din talaga…
“Im sorry…” bulalas ko habang patuloy na uumiyak…
“P!UTANGINA. ALLYDA! MINAHAL KITA, tapos sasabihan mo lang ako ng SORRY!!... At tiniis mo pa talaga ang TRAUMA mo para lang maipakita mo na Mahal mo siya…” galit na utas ni Alex saakin…
Naramdaman kong may humawak sa isa ko pang kamay. Tiningnan ko si Karlwin, nakangiti siya saakin.
Mas lalo akong napapiyak sa mukha niya, kahit na bugbog na ito at puro dugo, nagagawa niya paring ngumiti. Ito yung lalaking mahal ko dati pa. I miss him so much…
Pumikit ako at humarap kay Alex…
“Sorry Alex, pero ito na din siguro yung time na dapat na tayong maghiwalay, alam kong alam mo na wala namang patutunguhan itong relasyong ito, simula palang alam na natin kung sino ang mahal ko at hanggang ngayon wala namang nagbago doon. Itigil na natin to. Alam kong masasaktan ka pero lets just accept na hindi tayo nag work. Im sorry pero hindi ako ang babaeng para sayo” sabi ko at tinalikuran na siya. Alam kong sobra ko siyang nasaktan sa ginawa ko pero ito nay un eh, ito na yung time para tumigil na… Pumikit nalang ako at sabing…
Thank you Alex…
Hinila ko si Karlwin paalis doon, hindi ko alam kung saan ko ba siya dadalhin pero isa lang ang ginawa ko pumara ako ng Taxi at dinala ko siya sa isang lugar na ayaw na ayaw kong puntahan ang Hospital.
Pumasok kami sa ER at pinagamot ko ang sugat niya, tumigil na din ako sa kakaiyak. Medyo hindi na din ako kinakabahan, hindi na din ako nahihilo sa amoy ng dugo. Ewan ko ba kung bakit pero habang hawak ni Karlwin ang kamay ko parang wala akong sakit na trauma, I felt secured.
Hindi kalaunan umalis na din kami ng Hospital. Naglalakad kami ng bigla akong huminto.
“Karlwin…” nagtaka ako kasi bigla niyang hinigpitan ang paghawak niya sa kamay ko eh tinawag ko lang naman siya.
“Bakit?” mahinahong tanong niya na halata mong kinakabahan.
“Ang higpit naman ata ng pagkakahawak mo sa kamay ko…” bulalas ko.
“Natatakot kasi ako…” sabi niya na pingatataka ko. Bakit naman siya matatakot? Nakakatakot ba ako!?
“Bakit?”
“Baka kasi kapag hindi ko hinigpitan ang paghawak ngayon sa kamay mo. Baka bigla mo na naman akong takbuhan at sabihing hindi totoo ang sinabi mo kanina kay Alex.”
Natahimik ako sa sinabi niya.
“I’m afraid of losing you again…”
Tumulo na naman ang luha ko.
“Hindi ko na makakaya!”dugtong niya
Humahagulhol na ako, hindi ko inaasahan itong mga sinasabi niya saakin.
“Allyda, please promises! that you will never leave me alone, papayag lang ako na umalis ka kapag kasama mo ako. Kaya please Allyda. Promise me…”
Napatango ako sa sinabi niya. Next thing I know nakayakap na siya saakin…
“I Love you Allyda…” at tuluyan na niya akong hinalikan. Wala akong magawa kundi suklian ang bawat halik at yakap niya, sa tagal ng panahong pagdurusa ko tama na siguro yung pain. Panahon na din siguro para maranasan ko ang mahalin ng taong gusto ko…
“Hindi mo pa ako! Girlfriend ah, kahit hinalikan mo na ako kailangan mo paring manligaw…” nakangiting utas ko habang nakayakap sakaniya.
“Kahit hindi mo sabihin gagawin ko yun…” mas lalo akong napangiti sa sinabi niya.
“Liligawan kita, at kahit pa ilang beses mo kong bastidin mapatunayan ko lang sayo na seryoso ako. OK lang basta huwag mo lang ulit ako iwan, Just stay…”
Sabi nga ng iba kahit anong bigat ng nagawa niyang kasalanan sayo kapag unti-unti mo ng naramdaman ang pangungulila mo sakanya. Handang handa mo parin siyang yakapin para maramdaman ito.
Yung feeling na ilang taon mong hinintay yung yakap at halik na yun na siya lang ang makapagbibigay. Uunahin mo parin ba ang kasalanan niya na napatawad mo na o pipilitin mo paring magmatigas para makapaghiganti?. Wala na akong pakialam sa pesteng yan kasi alam kong siya lang ang magbibigay saakin ng isang bagay na alam kong makakapagpasaya saakin yun ay ang PAGMAMAHAL.
A/N: Yes!! Pakibasa po…..
Nagdadalawang isip pa po ako kung papahabain ko pa ba siya o hanggang 50 chapter lang.. pero tingnan nalang po natin… Salamat. Po talaga :)
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...