Kabanata 15:

1K 23 0
                                    

Kabanata 15:

Nandito na kami sa loob ng GYM, nakaupo lang at hinihintay ang oras, naipasa na din namin ang form nang pagsali namin sa Club. Yung dalawa ko namang kasama nandito at nakaupo din at panay ang titig doon sa tatlong impostor na parang nagpapraktis ata! Tss…

“Bakit hindi kayo nagpapraktis?” biglang tanong ng kararating lang na si Karlwin kay Allyda.

Tiningnan ko lang si Karlwin na ngayon ay uupo na sa tabi ni Allyda. Tss!! Yung dalawa namang unggoy ay nasa likod namin ni Allyna.

“Hindi na kailangan!” simpleng sagot ni allyda at ibinalik na kaagad niya ang tingin doon sa tatlong impostor na kung makatingin saamin ay para na kaming papatayin. Tss!

Sandaling katahimikan ang bumalot saamin tanging mga tao lang sa Gym ang maririnig mo. Si Allyna nga, himala hindi nagdaldal ito… sabagay hindi naman kasi siya iniinis ni Luigi.

Maya maya pinaready na ang mag aaudition!! So ibig sabihin magreready na kami… pang lima pa kami sa magaaudition kaya ang tinawag muna ay yung una na which is solo performer lang!

Nanunuod lang kami ng nanuod at nung pang apat na ang tinawag, inayos nalang namin ang damit namin. At ngayon kami na!!

Agad kaming umakyat sa stage at tiningnan ng masama yung tatlong impostor. Humanda kayo!!

Binigay ko yung tutog na sasayawin namin… Pumwesto naman kaagad yung dalawa at maging ako…

[Pakiplay po ng video sa gilid>>>]

[CL THE BADDEST FEMALE]

And the Music start….

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Tapos!!

Rinig namin ang paghanga ng mga tao sa pagsasayaw namin, maging ang leader ng Dance Club napa standing ovation. Nag bow nalang kami na katunayan na tapos na kami. Sunod namang tinawag ay yung tatlong impostor. Tss! Well naway mahigitan niyo kami… Tss

Bumalik kami sa kinauupuan namin kanina at kita kaagad namin ang tatlong unggoy na kung makatingin saamin ay parang gusto kaming angkinin. Tss!

Tumingin kami ulit doon sa tatlong impostor na kung makasayaw ay kala mo nasayaw lang sa Bar! Tss. Yan ba ang tunay na pagsasayaw? HAY! Halata naman kasing hindi sila marunong, pinipilit lang talaga… nang matapos sila ayun biglang nagsabi yung Leader ng Danclub ng Next Please. Tss! Kawawa naman yung tatlong impostor akala siguro nila hahanga sakanila yung Leader. Tss! Makaalis na nga lang…

The Dancers Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon