Kabanata 29:
Allyssa POV
[4 DAYS LEFT]
Lumipas ang araw na iyon, nang maayos kaming nakarating ng Resthouse nila Xhander. Grabe ang ganda niya! May pool siya, may garden, may rooftop. Basta ang ganda niya. Mamamangha ka! Malapit din sila sa bundok… ang ganda.
Nung dumating kami doon, diretso kami pahinga kaya hindi kami masyado nakapaglibot. Magkakatabi kaming mga girls sa iisang kwarto. Kasya naman kaming tatlo sa kama, kaya hindi kami masyadong nahirapan. Natulog lang kami ng dumating kami! Nung kinagabihan, natulog lang din. Ngayon pa kasi namin uumpisahan ang paggagala namin. Kaya ngayon mag hi-hiking kami sa bundok! Nakakaexcite… doon na din kami magpapalipas ng gabe. May dala din kaming mga tent.
Nasa kalagitnaan na kami ng bundok ng makaramdam kaming mga girls ng pagod.
“Wait lang!! nakakapagod eh…” reklamo ni Allyna.
“Ou nga!” halos sabay na sigaw naming ni Allyda.
“Ang hihina niyo pala….” Pangasar ni Luigi kay Allyna…
“Anong sabi mo?” ayan na naman sila.
“Sabi ko ang ganda naman ng girlfriend ko! Pakiss nga!!” binigyan naman siya ng kamao ni Allyna. Natawa nalang kami sakanilang dalawa.
Lumapit naman si Karlwin kay Allyda at inalalayan itong makaakyat. Si Xhander din ganun ang ginawa saakin.
Bute nalang nandito sila. Kasi kung wala! Naku baka kanina pa kami nagpagulong gulong dito, kanina pa kasi kami nadadapa! First time kaya namin umakyat ng bundok…
Matapos ang kakahila nila saamin. Sa wakas nasa tugatog na din kami ng tagumpay…
“Salamat! Nakarating din…” bulalas ni Allyna.
Tumabi naman din kaagad doon si Luigi at pinunasan niya ang pawis ni Allyna. Kahit nasa malayo ako. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ni Allyna. Tss! In love eh…
Napadako naman ang tingin ko kila Allyda. Si Allyda, nakaupo lang at pinagmamasdan ang paligid! Si Karlwin naman ay biglang tumabi sakanya at kinuha ang paa nito tsaka minasahe. Napalaki ang mata ni Allyda sa ginawa sakniya ni Karlwin. At halata mo din dito ang pamumula sa ginawa sakaniya ni Karlwin…
Pagmasdan palang ang mga kaibigan kong masaya, natutuwa na ako! Ang hindi ko kaya, ay yung Makita silang umiiyak. Yun ang hindi ko kaya! Kasi katulad nila nasasaktan din ako…
Biglang tumabi saakin si Xhander at nilahad niya saakin ang mineral water.
“Eto oh!” kinuha ko naman. Pero pagkabukas ko, bakit bukas na? hayaan na nga. Nauuhaw na ako eh.
Pinagmasdan niya lang ako habang iniinom ko yun. Problema nito?
“Bakit?”nagtatakang tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Teen FictionBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...