Kabanata 43:

689 21 0
                                    

Kabanata 43:

Allyssa POV

Magisa lang akong tulalang naglalakad papasok sa kwarto namin dito sa hotel. Ayoko na itong nararamdaman ko! Ayoko na, nakakasawa na!! Ayokong ayoko na. sumusuko na ako.

Pagkapasok ko sa room namin diretso kaagad ako sa kusina at naghanap ng pwedeng mainom.

Tungga lang ako ng tungga habang umiiyak!! Mas ok na tong wala sila Allyda at Alyna kasi ayoko ng makadagdag pa sa aalalahanin nila. Marami na silang problema ayoko ng dagdagan pa…

May narinig akong nagbukas ng pintuan siguro si Allyda o hindi kaya ay si Allna na yan. Agad kong pinunasan ang luha ko at tumungga ng alak. Ayoko sa lahat ang nakikita nila akong umiityak, ayokong kaawaan ako ng ibang tao dahil sa umiiyak ako. I hate crying…

“Allyssa! Naglalasing ka na naman?” biglang singit ni Allyda ng makita ako.

“Tss!”

“Allyssa… Ano ba talaga ang nangyare?” tanong niya.

“Nothing…” sagot ko. Ayokong sabihin sakanya. Ayoko!. Ayokong kaawaan niya ako..

“Allyssa kilala kita kapag nasasaktan kana nagiging tanga ka… kahit na sinaktan mo na siya ng paulit ulit hindi ka parin kuntento kasi ang iniisip mo mas nasasaktan ka…”

Hindi ako makaimik sa sinasabi niya. Tama siya. Tamang tama!!

“Pero Allyssa matuto naman tayong magpatawad, nakakasawa na kasi, nakakapagod ang magatago saknila…”

Tumulo na ng hindi ko inaasahan ang luha ko… Hindi ko na napigilan…

“Allyda. Paano ba?”

“Anong paano ba?”

“Paano ko siya mapapatawad? Paano?”umiiyak na utas ko. Naalala ko na naman ang mga sinabi niya saakin…

[FLASHBACK]

“Please Allyssa… kahit pakinggan mo lang ako! Kahit huwag ka lang magsalita…”

Nagsimula ng tumulo ang luha sa pisngi ko. Ang sakit sobra!! Pupunasan niya sana ito kaso hinawi ko na bigla ang kamay niya.

“Go on! I will listen, pero huwag kang umasa na may makukuha kang sagot after nito kasi para saakin wala ng makakapagbago ng isip ko…” sabi ko at pinunasan ang luha sa pisngi ko…

“Sorry for everything, sorry alam kong naging tanga kami at nagpabulag na gusto naming makilala ang the triple A. Pero ng pumasok kami sa buhay niyo doon na nagbago ang lahat, doon ko kauna unahang naramdaman ang pagbilis ng puso ko sa tuwing sinusungitan mo ako, sa tuwing tahimik ka o sa tuwing nambabara ka. Ewan ko kung ano ang meron sayo pero hinahanap hanap na kita. At hanggang sa magising nalang ako na mahal na kita. We decided to tell you the truth on the last day of our contract. Pero bigla kayong naglaho, at pilit na sinasabing patay na kayo. Halos lahat ng tao naniniwala na patay na kayo at tanggapin na wala na kayo kahit nga sila Karlwin at Luigi sumusuko na kaso ako hindi! Halos araw araw nagbabakasakali akong babalik kayo sa Bundok at nakangiti ka saakin kaya halos araw araw umaakyat ako. Pero isang malaking wala ang napapala ko… After that! Naging laman kami ng Bar at nalulong sa alak. Nagpa rehab kami para makalimutan ang alak pero dahil sa depression sa loob nagtangka akong magpakamatay…”

The Dancers Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon