Kabanata 7:
Maaga kami nagising na tatlo! Maaga parin kasi ngayon ang klase namin. Nang matapos kami agad na narin naman kaming umalis ng bahay, sasakyan ko ang ginamit namin at ako na din ang nagmaneho noon. Papalabas palang kami ng gate ng mapansin namin na madami palang tao sa labas ng gate na parang may inaabangan. Ano na naman kaya ang meron dito? Tsss!
Sa di kalayuan nakita ko kaagad si Jema na kasama ang Boyfriend niya. Agad kaming lumapit doon para magtanong.
“Oh Allysa nandito na pala kayo” nakangiting bati niya saamin.
“Yes! Tatanung ko lang kung ano ang meron dito at nandito kayo?” tanong ko
“Ah! Ang sabi kasi. Dito na daw magaaral sa school natin ang The Tripple A Dancer. Yung sikat na grupo dati kaso biglang naglaho. Ang balita din kaklase din daw natin sila. At ang sabi sinundan daw talaga nila dito ang mga Boyfreind nila. Diba ang sweet” kinikilig na sabi niya.
Napatingin ako sa dalawa na nasa likod ko. Wala silang imik sa narinig nila…
“Ah ganun sige una na kami!!” paalam ko..
“Hindi niyo man lang ba sila titingnan” pahabol niya
“No thanks.” Sabi ni Allyna at bigla na kaming tumalikod
“WTHELL…” bulalas agad ni Allyna ng makalayo na kami doon sa may gate.
“Ang kapal naman talaga ng mga mukha ng impostor na yan! At dito pa talaga naisipang lumipat kung kalian nandito ang tunay na The Tripple A dancer…” galit na sabi ni Allyda.
Ako naman wala lang kibo.
“Grabe lang at narinig niyo naman diba. Kaklase pa daw natin… WOW lang ah!!” pagalit na sabi ni Allyna.
“Wag niyo nalang pakialaman. Kaligayahan nila yan eh.. hayaan nalang. Sila din naman ang magus-suffer sa dulo” sabi ko
Tumango naman din kaagad sila sa sinabi ko. Nakarating kami sa room ng matiwasay. Halos walang katao-tao sa hallway at sa iba pang classroom ng dumaan kami. Marahil nandoon lahat yun sa gate nagaabang… tss. Pakasaya lang kayo! Sa oras na lumabas kami. Iiyak narin naman din kayo..
Sinubsob ko nalang ang ulo ko sa may mesa at inumpisahang pumikit…
***
“Allyssa. Gising na!” panggising saakin ni Allyda.
Agad na din naman akong nagising at umayos ng upo. Medyo dumadami na din naman ang tao pero wala pa dito yung mga unggoy at mga impostor. Tss
May biglang pumasok sa loob ng classroom na isang professor, pero feeling ko may i-aanounce lang ito.
“Guys. Im Professor Romero. May sasabihin lang sana ako. Wala po yung prof na naasign sainyo ngayon nagka emergency lang daw. Pwede niyo na munang iwanan ang Room na ito. Pero be sure na hindi kayo pagala-gala sa Campus kasi may iba ring nagkaklase. Sige guys bye” at bigla ng umalis yung professor.
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Подростковая литератураBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...