Kabanata 38:
Allyssa POV
Pagkagising ko kinaumagahan, agad na din akong nag-ayos at hinanda ang sarili para sa mangyayare… actually kagabe ko pa pinagiisipan kung ano ang mga sasabihin ko sa oras na magkaharap kami, kaso wala talagang lumalabas sa utak ko kaya ayun nakatulugan ko nalang ang pagiisip doon.
Paglabas ko ng room ko dito sa hotel agad na din naman akong sinalubong nung dalawa. Tss!!
“Goodmorning!” bati nila.
“Morning din…” tugon ko
“Ready kanaba?” tanong nila. Tumango naman ako.. “Kayo ready na ba?”
Pagtango din ang naging tugon nila… Nagpaorder nalang kami ng umagahan namin at agad na din naman iyon hinatid sa room namin. Nang matapos kaming kumain, dumiretso na kaagad kaming tatlo sa office namin. Nakangiti kaming binate ni Arvin…
Habang papalapit ang oras ng meeting mas lalong akong kinakabahan. Hindi dahil sa presentation na ipe-present ko kundi sakanila… Natatakot ako sa muli naming pagtutuos nila Xhander at nang dalawa pang unggoy.
“Grabre kinakabahan na ako…” bulalas ni Allyda habang nakatayo na at kanina pa palakad lakad.
“Hindi ka nagiisa! May kasama ka…” sabi naman ni Allyna.
“Just be yourself guys, kung gusto nila kayong makausap then let it be…”sabi ko. Nakahinga naman ata ng malalim yung dalawa…
Habang nasa kalagitnaan kami ng paguusap, narinig na namin ang biglang pagpasok ni Arvin sa office. Ito na!!
“Mam! Nandiyan na po ang lahat! Kayo nalang po ang kulang…” sabi niya.
Halos magkarera na ang puso ko habang naglalakad kaming apat papunta sa Conference room,. Hawak ni Arvin ang mga documents na ipe-present ko kaya halos manginig ang dalawa kung kamay habang naglalakad…
Nasa tapat na kami ng gate ng nagpakawala kami ng sunod sunod na buntong hininga!! Nagkatinginan muna kaming tatlo at nag senyas na ready na, kaagad naman din binukasan ni Arvin ang pintuan…
Pagpasok palang namin, ramdam ko na kaagad ang mga titig ng mga tao. Pumwesto kami sa pinakadulo at nang makaupo kaming tatlo, pinaulanan kaagad kami ng papuri ng mga investor, kesyo ang gaganda daw namin, basta puro ganun!!
Hindi namin kayang tumingin na diretso kasi natatakot kaming Makita sila. Nakaktakot!! Swear…
Siniko ako ni Allyda… “Allyssa! Nakita mo na ba sila?” tanong niya
“Hindi pa!” sagot ko
“Ako din… nakakatakot tumingin…”
“Tss!!”
BINABASA MO ANG
The Dancers Story [COMPLETED]
Novela JuvenilBeing A dancer doesn't mean that you are capable in doing moves, steps because love is like a dance, when you follow the steps, moves and you perfect it, you have an assurance to meet your goal and that is the popularity you wanted. Like love if you...