Kabanata 39:

857 22 0
                                    

Kabanata 39:

Allyda POV

Pagkarating ko sa room ng hotel namin, agad ko ding nakita si Allyna na tumutungga ng alak sa may Sala. Imbes na pigilan siya, tinabihan ko na lamang siya at tumungga na din ng alak.

Nung una nagtaka siya pero kalaunan pinabayaan na lang niya ako…

“Nakausap mo na ba siya?” tanong niya habang nakahawak sa basong may lamang alak.

Tumungo ako sabay tungga nang alak.

“Hindi ko alam kung ano baa ng meron sakanila at nagpapakalasing tayo ngayon!!” bulalas ni Allyna.

Siguro kasi masayado lang nila tayong nasaktan…

Habang tahimik lang kaming nainom doon, may naramdaman kaming naglalakad papunta sa direksyon namin, hindi namin alam kung sino pero kutob namin si Allyssa ito.

Pagkaupo niya sa tabi namin, bigla siyang kumuha ng alak doon at nilagyan niya ang basong hawak niya.

Ilang beses kaming napabuntong hininga sa mga pinaggagagawa namin, hindi kami sanay na uminom kaya sa pagkakataong ito gusto namin lunurin ang sarili namin sa alak. Mahirap pala itago kung sobrang nasasaktan kana! Ang hirap hirap… para kang pinapatay pa unti-unti. Akala ko after naming masabi sakanila na buhay kami, akala ko magiging masaya na kami, pero mali pala ako kasi hanggang ngayon masakit pading iadmit na hindi na naming sila makakasama…

Lumipas ang oras na sobrang lakas na ng tama ng alak sa utak namin. Still wala pa ding nagsasalita, panay lang ang inom naming hanggang sa nagsalita si Allyna.

“Normal ba talaga itong nararamdaman ko?”malungkot na utas niya. Kami naman ni Allyssa nakatingin lang sakanya at hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Kahit na malakas ang tama saamin ng alak, alam at naiintindihan parin namin ang mga sinasabi ng bawat isa.

“Bakit ganun?. Ou pinagtabuyan ko siya! Nasayahan nga ako sa ginawa ko eh, pero bakit mas lamang ang lungkot? Yung para bang gusto mo siyang balikan at bawiin lahat ng sinabi mo skanya. Bakit feeling ko mas nasasaktan siya kesa saakin…” at nagsimula ng umiyak si Allyna. Lumapit ako at niyakap ko siya, kahit naman ako ganun din ang nararamdaman ko. Kahit na sinabihan ko si Karlwin na Just Be Happy! Bakit parang hindi ko maramdaman na masaya siya? Bakit noong nakita at nakausap ko na siya ulit, bakit parang lungkot at sakit lang ang nakita ko sa mga mata niya…

Hinahagod ko lang ang likod ni Allyna habang patuloy lang siya sa pag-iyak. Kahit ako hindi ko mapigilan ang hindi maiyak sa mga sakit na pinagdadaanan namin. Bakit parang kahit 3 years na ang nakalipas, bakit parang ang sakit parin?..

Tumingin ako kay Allyssa, patuloy lang siya sa paginom na para bang wala siyang kasama dito. Hanggang sa Makita ko na din na may tumutulo ng luha sa mata niya.

 I know Allyssa for a long time pero hindi ko inakala na makikita ko sya ng harap harapan na umiiyak. Masakit mang tanggapin pero nakakasawa din palang masaktan mas lalo na kung hindi naman dapat…

******

Isang lingo ang lumipas simula nang magkaharap-harap kami, isang lingo din ang lumipas ng hindi kami lumabas ng apat na sulok ng room na ito. Isang linggong, wala kaming ginawa kundi magisip, magmukmok at masaktan. Ni hindi nga din namin kinokontak ang mga boyfriend naming ni Allyda. Isang lingo din ang lumipas na hindi lumabas ng kwarto si Allyssa, nakakatakot! Ou, pero we know him . alam namin na nagpapalamig lang siya at nagiisp sa mga bagay bagay….

Lunes ngayon! At maguumpisa na naman kaming magtrabaho sa office. We decided to stay here in one month only. Tatapusin namin lahat lahat dito, bago namin ito iwan…

The Dancers Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon