Kabanata 25:

838 17 0
                                    

Kabanata 25:

Allyna POV

20 days left nalang, matatapos na ang deal namin. Nandito na naman kami sa school! Exam week na next week kaya ngayon todo aral kami. Yung tatlong unggoy naman ay palagi ng nasama saamin, tutor namin sila kumbaga! Tss. Nag inarte pa nga nung isang araw. Ang sabi ba naman…

“Sige na! turuan niyo na kami!” pagmamakaawa saamin nung tatlo.

“Hindi ba kayo naawa sa mga boyfriend niyo” pa blink blink pa yung mata nila…

“Hahayaan niyo lang ba kaming bumagsak… May Girlfriend ba na ganun?” pacute nila…

Natawa nalang kami sa mga itsura nila ang cu-cute kasi. Kulang na lang lumuhod sila sa harap namin para pumayag lang na turuan namin. Dahil sa mababait naman kaming tatlo, pinayagan namin sila na turuan sila.

Papasok na kami ngayon ng canteen. Tapos na din kasi ang tatlong subject namin. Medyo nakakahilo nga kasi nag quiz kami sa lahat ng yun.

“Saan tayo uupo!?” rinig kung tanong ni Luigi.

“Sa upuan malamang! Alangan naman sa sahig…” pambabara ko

Napakamot naman siya ng ulo.. “Ou nga! Sinabi ko nga…” sabay akbay saakin “Ano ang gusto mo kainin?” panlalambing niya.

“Kung ano ang nakahain!!”

“Sige! My lady… masusunod po..”

Hay! Naku… alam niyo ba kung bakit nanlalambing yan? Kasi ngayon na namin uumpisahan ang tutoring namin sakanila kaya ganyan yan… natatakot na baka takasan namin. Hay!!

Kumain lang kami ng kumain doon. Sila Allyssa ayun may improvement na! palagi na silang nagbibiruan, hindi ko nga alam kung ano ang nangyare sakanila nung naiwan namin sila sa bahay… pero to tell you honestly kinikilig ako sakanilang dalawa. Napatingin naman din ako kila Allyda na ngayon ay nagsusubuan seriously nangiinggit ba sila…

Pagkatapos namin kumain dumiretso kaagad kami ng Library para makapagumpisa na kami sa pagtuturo sakanila. Hiwa hiwalay kami ng pwesto kasi kapag magkakasama kami baka wala na naman kaming magawa kasi puro kulitan lang ang nangyayare…

Katabi ko ngayon si Luigi na seryosong nakatingin saakin. Kaharap ko kasi siya, ayoko siyang katabi! Ang bango niya kasi baka hindi ako makapag concentrate… Landi!

Kinuha  ko naman kaagad ang notebook ko sa bag at agad na nagumpisa sa pagtuturo…

Discuss lang ako ng disscuss sakaniya, siya naman mukhang nakikinig naman! Tumatango kasi siya. Hawak na din niya yung Notebook ko at panay ang buklat niya doon. Ok lang naman yun saakin tutal mukhang natututo naman din siya sa mga paliwanag ko… Nang matapos ko na yung isang lesson ni mam. Itutuloy ko na sana ang sunod na topic kaso bigla niya akong pinigilan. Problema na naman ba nito?

The Dancers Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon