Kabanata 47:

755 18 0
                                    

Kabanata 47:

Allyssa POV

Maaga kaming nagising kinaumagahan nun sa kadahilanang may kailangan pa kaming ihatid sa Airport.

“Tapos na ba kayo?” tanong saamin ni Allyda.

“Ou. Ikaw nalang ang hinihintay!!” masungit na utas ni Allyna. Paano kasi kanina pa kami tapos magbihis tapos siya kagigising palang. Tss.

“Sorry naman!! Tara na…”

“Tss…”sabi ko nalang at bigla ng umalis doon.

Pagkarating namin ng Lobby ng hotel nakita na kaagad namin ang tatlong lalaking nakasama namin sa France. Tss! Mamimiss ko sila.

“Chris!”tawag ko kay Chris ng makita ko siya.

Ngumiti naman siya at lumapit saakin.

“Miss mo na kaagad ako?. Hindi pa nga ako umaalis eh.” Tss! In your dreams.

“Hindi ah. Trip ko lang talaga na tawagin ang pangalan mo…”

“Ok. Sabi mo eh. Lets Go!!” yaya niya saamin.

Sa isang Van lang kami nakasakay. Kasama namin yung tatlo at yung tatlo namang Xekele ay susunod nalang daw sa Airport.

“Guys! Pakabait kayo doon ah…” maluha luhang bulalas ni Allyda.

Tumawa naman si Alex. “Opo Inay!!”

Binatukan ni Allyda si Alex. “Aray. Ah!!”

“Seryoso ako dito, dinadaan mo lang ako sa biro mo!!”

“Sorry na!! May Karlwin ka na din naman eh!”

“Anong Konek nun?” si Allyda

“Wala. Sabi ko ang ganda mo. Bingi ka lang…”

“Tumigil na nga kayo!!” singit ni Allyna. Tahimik lang ako sa may sulok habang pinagmamasdan sila.

“Allyna, pagbigyan mo na sila! Minsan lang naman makipagtalo yan si Allyda. Diba?” pangunguntra ni J.R

Sinamaan iyon ng tingin ni Allyna. “Ang sakit kaya sa tenga! At ikaw namang lalaki ka! Magiingat ka doon. Chat nalang kapag may time, balitaan mo nalang ako kung magpapakasal kana!”

Ngumiti naman si J.R “Sure no problem! Dalawin niyo kami doon ah!”

“Ou naman!” si Allyna.

Nawala ang atensyon ko sakanila ng kalabitin ako ni Chris.

The Dancers Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon