Kabanata 20:

917 22 0
                                    

Kabanata 20:

Allyssa POV

“Chris Palma?” bulalas ko

“Alex Domingo?” si Allyda

“J.R Villanueva?” si Allyna.

Ngumiti saamin yung tatlo… “The Tripple A.” bulalas nila.

Sinamaan ko sila ng tingin… “Sige sabihin niyo pa! makakatikim kayo saakin.” Pambabanta ko. Umakbay naman kaagad saakin si Chris. Tss

“Relax lang Lysa…”

“Pwede ba tanggalin mo nga yang kamay mo. Gusto mo putulin ko yan…”

“Ou na ito na” at tinanggal na nga niya yung kamay niya sa balikat ko…

“Ano ba ang ginagawa niyo dito?”mataray na tanong ni Allyna.

“Wala! Sawa na kami sa States. Gusto na namin ituloy ang panliligaw na naudlot dati” naka smirk na sabi ni J.R kay Allyna.

“Shut up J.R. Alam niyong wala kayo mapapala saamin”

“Ang taray mo na naman!! Try lang naman namin eh…”

Inisnaban lang siya ni Allyna… “Bahala kayo… hindi naman kami ang mapapagod…”

“Kamusta na nga pala kayo?”rinig kung tanong ni Alex kay Allyda.

“Were doing fine…” nakangiting sabi niya kay Alex.

“Mabute naman! Kala kasi namin may masama nang nangyare sainyo eh. Tumawag samin sila Tita ang sabi bantayan daw muna namin kayo”

Tss. So sila pala ni mama ang may pakana kung bakit nandito itong mga ito. Tss! Magulo na naman ang buhay namin sa mga ito, tapos may dumagdag pa. yung tatlong unggoy. Hay!

“Talagang sinabi yan nila?” tanong ni Allyda kay Alex.

“Yup!! Don’t worry doon na din kami magaaral sa school na pinapasukan niyo.. haha! Para masaya…” nakangiting sabi ni Alex.

Masaya daw? Baka gulo… tss!!

“Tara na nga! Gutom na kami…” sabay akbay saakin ni chris…

“Pwede ba chris. Tangalin mo nga yang kamay mo sa balikat ko…” reklamo ko.

“Easy lang Lysa… sa tagal nating hindi nagkita, hindi ka man lang nagbago. Ang cold mo pa din…”

Sinamaan ko siya ng tingin… “Bakit ikaw? Nagbago ka ba?”

“Ou!. Mas lalong lumalim…”

The Dancers Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon