YouAndMeAreMeantToBe Book 1 (Ken and Jazz)

18.5K 259 14
                                    

(Hindi po lahat ng nandito ay may POV ito po ay story lamang ni Ken and Jazz, pero pinakilala ko po sila isa-isa dito dahil ito po ang unang ginawa ko. Pero wag po kayong mag alala magkakaron din po sila ng story lahat pero isa-isa lang po tatapusin ko po muna ito.)

Ken Lee Montreal

Ako si Ken Lee Montreal. Gwapo, Mayaman. sinasabi nila mayabang masasabi mo bang mayabang ako kung ayaw ko lang kausap ang tangang tao? sabi nila suplado masasabi mo bang suplado ako kung mas gusto kong manahimik kesa makipagtalo sa tangang tao? matinding matindi ang inis ko sa mga tanga. ganyan kasi ang kuya ko tanga. mahal na nga sya ng mahal ko umaayaw pa. Pero hindi ko akalain na magbabgo ang takbo ng buhay ko sa pagpasok ng pinaka tangang taong nakilala ko si Jazz. (^_^ sorry Jazz nag sasabi lang ako ng totoo.) Binago niya ang buhay ko natuto akong ngumiti ulit at natuto kong magmahal ng totoo. sa kanya ko nalaman kung ano ang pinagkaiba ng pagmamahal sa kaibigan at sa babaeng gusto mong makasama habang buhay. mahal ko si Jazz at ipagmamalaki ko na BoyFriend ako ng Tagabundok na si Jazz. ^_^

JAZZMINE KENNETH JACOB

Jazzmine Kenneth Jacob ako si Jazz tinatawag ni Ken ng taong bundok.. inocente ko malamang galing ako sa bundok kayo man ang pumunta sa bundok magiging inocente rin kayo. naiinis s'ya sa katangahan ko pero ang totoo sya ang tanga dahil sumasagot lang naman ako sa tanong niya. malay ko ba na baliktad pala utak niya. i mean baliktad sya mag isip. Ako ay dating inocenteng laki sa bundok nakatago sa mga tao. hanggang sa nakilala ko sina Dennis,Justine,Vince,Jericho, Jessie at yung taong bumago sakin si Ken. na nagtyagang mag turo sakin, lutuan ako, suyuin ako kapag nagtatampo ako, at higit sa lahat mahalin ako. tama hindi kayo makapaniwala no? kahit naman ako hindi makapaniwala kung paanong nahulog sakin ang isang Kenneth Montreal.

Dennis Lee Montreal

Ako ang nagiisang kuya ni Ken. babaero daw ako, pero matatwag mo ba kong babaero kung wala pa naman akong nakakrelasyon kahit isa? nakikipagdate yes, pero sandali lang yun. Meron kasi akong minahal pero nahuli pala ko dahil minamahal din sya ng kapatid ko. Pero dahil sa sobrang pagmamahal, nagawaa ko pang ipilit ang sarili ko. Pero sa huli  isinuko ko rin dahil mas mahal ko ang kapatid ko. Nagparaya ako kahit sinabi n'ya rin sakin na ako ang mahal n'ya talaga at ako na ang pinipili n'ya. Pero paano kung sa pangalawang pagkakataon eh mahalin ko ulit ang bagong nagugustuhan ng kapatid ko. magpaparaya ba ko ulit? o ilalaban ko na to?

Jasmine Grace Jacob

Ako si Grace, Mahina, mahiyain at takot. pero lahat ng yan panlabas ko lang para makuha ko kung ano ang totoong gusto ko. Yung kapatid ko paborito ng lahat. halos hindi ako napapansin dahil sa kanya. si Yaya lang ang totoong nagmamahal sakin.  kaya gumawa ako ng paraan para mawala sa landas ko ang kapatid ko. Sana dalawa ang puso ko yan ang drama ko. dahil dalawa ang mahal ko at gusto ko pareho ko silang makuha. pero dahil sa kagustuhan ko na yun mukhang dalawa pa silang mawawala dahil sa Jazz na yun.

Jericho Chen Chua (JC)

Ako si Jericho Chen Chua ang pinaka mabait ^_^ inlove po ako sa kaibigan kong si Jane. kahit palagi niyang binabasag ang puso ko sa pag sabi sakin kung gaano niya kamahal si Dennis hindi ako nawawalan ng pagasang baka isang araw magising sya na ako na ang hinahanap niya. nakatagpo ako ng bestfriend sa katauhan ni Jazz. siguro para kay Ken isa lang syang taong bundok. sakin sobrang mahalaga sya. hindi kaya nahuhulog na ko sa kanya?

Jane Villareal

Ako si Jane Bestfriend ko si Jericho. Alam ko rin na may gusto sya sakin. Pero iba ang tinutibok ng puso ko. si Dennis ang gwapong kuya ni Ken. Bata pa lang ako gustong gusto ko na s’ya. At sa tingin ko naman malinaw yun kay Jericho. Pero nabadtrip ako sa katulong ni Ken bakit ba parang lahat na lang ng tao gusto sya. Gusto na nga sya ng Dennis ko pati ba naman bestfriend ko gusto niya pang agawin sakin. Kaya galit na galit ako sa kanya. Pero palagi na lang s’yang pinagtatanggol ng ate ko. nakakainis talaga.

Vincent John Elizalde (VJ)

Ako si Vincent John Elizalde. pinakamakulit sa grupo. hindi naman siguro kasalanan ang pagigung makulit ^_^ eh sa gusto ko lang naman enjoyin ang buhay ko eh. kaya gusto ko masaya ako palagi.. ang problema ko eh paano ba paiibigin ng makulit na katulad ko ang isang ubod nang sunget na babae. ^_^

Nathasia Villareal

Ako si Nash,sinasabi nilang masungit ako... well hindi ko sila masisisi dahil yun talaga ako. lalo na pagdating sa mga lalaki. ayaw ko kasing mainlove. minsan na kong nagmahal at sobra kong nasaktan. kaya wala na kong balak na magkagusto pa ulit. Pero mukhang kakainin ko lang ang sinabi ko dahil ngayon ako ay nag mamahal. Sa pinakamakulit na lalaking nakilala ko. Si VJ hindi niya ko talaga tinantanan abangan niyo kung paano ko napaibig ng isang Vincent James Elizalde

Justine Jones Sy

Ako si Justine ang pogay.tama kayo ng basa bakla po ako. matagal ko na pong sinasabi sa kanila yan pero ayaw nilang maniwala sakin. pano ko nalaman? simple lang sa dami dami ng babae sa mundo walang nagpapatibok ng puso ko. isa lang ang nagpatibok nito.. lalaki pa. yung driver ko si Raffy. syempre hindi naging madali para sakin ang pag amin na bading ako. minsan nga eh pinilit ko pa si raffy na sabhin niya bading sya. kaso hindi eh lalaki daw sya kaya ako na umako. ako ang bading  at pinagmamalaki kong sabihin mahal na mahal ko po ang poging driver ko na si Raffy ^_^ ♥

Poging Driver ni Justine (Raffy)

Ako si Raffy ang poging driver ni justine. alam ko na may gusto sakin si justine dahil hindi naman niya kinahihiyang sabihin sakin yun at sa ibang tao. may gusto ko sa kanya kaya kung may hihilingin ako sana eh totoong lalaki na lang ako para maging masaya sya sakin dahil bading nga sya. pano pag nalaman niyang babae pala ko talga :( baka itakwil niya na ko ikahiya niya na ko. pero isa lang ang sigurado ako...kahit na maging lesbian na lang ako bsta mahalin niya rin ako. 

Jessie James Samaniego (JAY JAY)

Ako si Jessie James Samaniego, may dalawang katangian ako tahimik at matakaw yun lang. love life? wala. wala akong balak naghahanap kasi ako ng babae masarap magluto, syempre kailangan ko yun dun ako sasaya eh ^_^ pero nahihirapan ako karamihan kasi ng nakikilala kong babae. kaartihan lang ang alam. pero mukhang kay Jazz may future ako ^_^

Jennica Jones

Ako si Jennica Crush na Crush ko si Jessie pero ayaw n’ya sakin dahil ang gusto n’ya raw ay yung masarap magluto katulad ni Ate Jazz. Hindi yung katulad kong anak mayaman na walang alam. ang sad diba. Pero ok lang hindi ako susuko magpapaturo ako kay Ate Jazz mabait naman s’ya eh kaya kahit na alam kong sya ang gusto nang lalaking gusto ko hindi ko pa rin magawang magalit.

***************************************************************************************************

-emmanoehl

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon