CHAPTER 17

5.3K 148 0
                                    

Chapter 17

(Manliligaw na ba talaga si Ken kay Jazz)

-=Ken=-

Ang kulit n’ya nasa sasakyan na kami. Kinukulit n’ya pa rin ako sa date.

“Saan tayo mag da-date? Ganito lang ba ko hindi na ba ako magbibihis?”

“Wag ka ngang maraming tanong, pwede? Kahit naman sabihin ko kung saan tayo mag da-date e hindi mo pa rin naman alam. At tungkol naman sa suot mo. Okay na yan. Kahit naman magpalit ka nang damit ganyan pa rin naman isusuot mo walang mababago.”

^____^ -Jazz

“Oh. Ano ang ngiti na yan?”

“Wala masaya lang ako. Unang date ko ito. Dapat masaya ito ah.”

“Dito na tayo baba ka na d’yan.”

“Wow ang laki. Dito ba tayo mag da-date?”

“Wag ka ngang OA. kung makareact ka parang hindi ka pa nakapunta dito. E dito rin tayo kumaen kasama pa nga natin si Vince. Remember?”

“Ay Oo nga pala. Haha bakit ba? First date ko ito. Kaya kunwari ngayon lang ako nakapunta dito.”

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi n’ya.

“Ano ba gusto mo? kumain muna tayo?”

“Oo sige gutom na ko eh.”

“Ken. Pahawak ah.” Sabi n’ya sabay haway sa kamay ko.

“Hawak mo na e. may magagawa pa ba ako?”

Ewan ko ba sa sarili ko. Kung ibang tao siguro ang humawak sa kamay ko magagalit ako. Pero dahil si TB yun okay lang sakin.

“Anong o-order-in mo?” tanong ko.

“Ikaw na lang um-order wala naman akong alam dito.”

Tinawag ko na yung waiter at sinabi ko yung order namin. Maya maya lang dumating na rin agad yung in-order ko.

“Kainan na!”

“Wag ka ngang maingay dyan! Baka isipin nung mga tao abnormal kasama ko.”

“Hmp. Ayaw ko na kumain. Kinakahiya mo ako.” Sabay simangot. Ayan nanaman yung pa cute n’ya mukha. Parang bata nakasimagot.

“Nagbibiro lang ako. Sige na kumain ka na. kung gusto mo sumigaw ka ng sumigaw okay lang sakin.”

“Talaga?” sabi n’ya sabay ngiti ng sobrang tamis. Yung ganong ngiti ang nagpapalambot ng matigas kong puso.

“Oh kain kana rin.”

“Sige busog na ko?”

“Busog saan? akala ko ba hindi ka pa kumakain?”

“Ngiti mo pa lang busog na ko.”

O.O-Jazz

Naku ano ba yung sinabi ko. Nasabi ko na hindi na pwedeng bawiin.

“Kumain ka na nga. Kukunin ko yang pagkain mo.” Sabi ko. Bigla naman s’yang kumain. Hooh kinabahan ako ron ah.

“Ken, bakit mo ba ko niyayang lumabas?”

“Ganito talaga pag nanliligaw.” Pagkasabi ko non bigla s’yang nasamid.

“Oh tubig. Dahan dahan lang kasi. Grabe ka naman kasi kumain eh.”

“Hindi naman ako dun nasamid eh. Anong sabi mo? Liligawan mo ako?”

“Oo.”

“Bakit?”

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon