CHAPTER 3

7.3K 188 22
                                    

CHAPTER 3

(Pahiram muna nito. . .

Ang pera ko hindi na uubos ang pasensya ko konting konti na lang >.<)

-=KEN=-

Nahihilo pa ako ang sakit ng ulo ko. Naalala ko nanaman yung babae na yon. Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Umalis na lang kami at sa bahay na lang ni kuya Dennis kami uminom. Dito na rin pala ako nakatulog.

“Ken, gising ka na ba?”

“Ay hindi pa tulog pa ko. Ganito ko matulog eh dilat tapos nagsasalita.

“Haha, ayan ka nanaman. Aga aga namimilosopo ka.”

“Mga tanong mo  kasi eh. nakita mo na ngang nakadilat eh. Tapos hindi ka man lang kumatok. Nakakahiya naman sayo. Ang kapal ng mukha mo.”

“Hoy, nakikitulog ka lang sa bahay ko ah.”

“Hoy ka rin sinong may sabi sayong patulugin mo ko dito. Baka nakakalimutan mo pinilit mo kong patulugin dito. Kung hindi nga lang kita kapatid. Iisipin kong may gusto kang makuha sakin eh. Kaya manahimik ka d'yan at bumaba ka na kung ayaw mong maranasang bumaba nang hindi sumasayad ang paa mo sa sahig!”

“Ahahaha, grabe ka talaga ang sunget mo naman. Halika na bumaba ka na pinagluto kita ng paborito mong ulam.” ^_^

“Oh ngayon anong kailangan mo?”

“Huh? Anong kailangan?”

“Pwede ba kuya kilala kita. May kailangan ka sakin kaya ganyan ka.”

“Galing mo talaga mang hula. Hanga na talaga ko sayo. Pero may kailangan talaga ko sayo. Pakilala mo naman ako sa katulong mo.”

0__0

“Seryoso ka ba? Ano kuya bumaba na ba ang level mo? so pangkatulong kana ngayon?”

“Baliw hindi naman ang ganda lang kasi niya. Sa tingin ko Ken ito na yon. S’ya na yung babaeng nakatadhana para sakin.”

“Kuya sa lahat ng niligawan mo. Sinabi mo yan. Saka anong maganda? Kagabi lang sabi mo cute ngayon maganda na? baka bukas dyosa na s'ya sayo?!”

“Uyyy tinawag akong kuya, bakit ba ang init ng ulo mo? Wag mong sabihin naiinis ka dahil may gusto ka sa kanya?.”

“Pwede ba. Hindi mo ko katulad. Nag tanong lang may gusto na agad?”

“Haha hindi naman. Kaya lang kasi huling beses mo kong tinawag ng kuya eh nung umiiyak ka at naglalabas ka ng sama ng loob mo sakin dahil ako ang maha-.”

“WAG NA IBALIK ANG NAKARAAN,”

Nakakabwiset talaga itong si kuya, ulit ulitin ba?

“Sige na bumaba kana ron. Kumain kana.”

At lumabas na s’ya ng kwarto. Makaligo na nga may mga gamit pa rin naman ako dito sa bahay nya. Sa bahay ko na lang itutuloy ang tulog ko Sunday ngayon wala akong pasok sa trabho.

-=JAZZ=-

Grabe naman hindi umuwi si sir Ken kagabi. Hmp s'ya na nga may kasalanan sakin eh. S'ya pa magagalit, basta hindi ako magsosorry sa kanya. Napakasama ng ugali niya nkakabwiset.

Nalinis ko na buong bahay. Yung kwarto na lang ni sir. Saka yung mga huhugasan kong pinggan grabe naman. Isang bwan na atang walang nag hugas ng pinagkainan dito eh. Ang daming huhugasan. Samantalang sa kubo. 3 lang ang ginagamit naming kainan. Ano ba uunahin ko? Ah, yung kwarto na lang muna ni sir.

Grabe ang laki ng kwarto niya. Eh ano naman lilinisin ko pa dito? Ubod ng linis na pwede ka na ngang manalamin sa ding ding. Baka sa CR.

O.O wow

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon