CHAPTER 59

3.6K 101 4
                                    

Gusto ko lang munang i-dedicate ito sa bago kong friend.  andajerjoy

 

Chapter 59

 

-=Jazz=-

Haist ang ganda ng araw ko ngayon wag n’ya akong sisimulan baka tapusin ko s’ya. hanggang ngayon nakatulala pa rin si Grace. Gawain n’ya ba ito? Ang tanongin palagi kung kumain na si Ken? hindi kaya palagi pa rin silang sabay kumain ni Ken.

“Ken, Hindi mo naman sinabing kailangan mo rin pala ng katulong dito sa opisina mo.” sagot n’ya ng makabawi sa pagkabigla.

Magsasalita na sana si Ken ng pigilan ko s’ya.

“Hindi kailangan ni Ken ng katulong kaya makakaalis ka na.” sabi ko naman habang sumenyas pa ng bye.

“At sinong sinasabi mong katulong? Ako?” sabi n’yang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

“Hindi ako ang nagsabi n’yan.” Sagot ko naman.

“Kung sating dalawa lang mas mukha kang katulong.”

“Ahahahahahahhahahahahhah…” tawa lang ang sinagot ko pati si Ken, natawa sa ganda ng tawa ko.

“Bakit ka tumatawa?” sagot ni Grace habang nakataas ang kilay.

“Nakakatawa ka kasi. Sigurado ka bang ako ang mukhang katulong sating dalawa. Tignan mo nga. Ako naka kandong kay Ken tapos nakayakap sakin si Ken. ikaw tignan mo nga ang itsura mo,” huminto ako sa pagsasalita at tinignan ko ang dala n’yang tasa.

“Maydala ka pang kape a. sige yaya pakipatong na lang sa mesa ng amo mo. mamaya na n’ya iinumin yan kasi kung hindi mo alam. Nakakaistorbo ka samin.” Pagpapatuloy ko at kitang kitang kong galit nag alit s’ya.

“Nakakaistorbo? Bakit? May ginagawa ba kayo?” tanong n’ya. tanga talaga s’ya no? sya ang gumagawa ng ikapapahiya n’ya.

“Gusto mo ba malaman?” tanong ko. hindi naman s’ya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

“Mahlabs, pakita natin sa kanya kung anong ginagawa natin.” Sabi ko. mukhang nagtataka naman si Ken, kaya kumilos na ako. hinalikan ko s’ya sa harap mismo ni Grace. Si Ken lumaki naman ang mata.

Gusto ko lang talagang asarin si Grace pero nag enjoy na ako kaya hindi ko na nakita ang pag-alis n’ya. narinig ko na lang na binalibag n’ya ang pinto. Kapwa naman kaming hinihingal ni Ken ng mag bitaw kami sa halik na yon.

“Grabe ka. pilya ka pala.”

“Pasensya ka na mahlabs ah na b-bwiset na kasi talaga ako sa kanya.” sagot ko naman.

“Haha kung ganon ka mabwiset e di sarap mo pa lang bwisitin.”

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon