CHAPTER 5

5.8K 176 1
                                    

CHAPTER 5

(Gusto ko lang naman ng kaibigan. OO katulong lang ako. Bakit pag katulong ba wala nang karapatang magkaron ng kaibigan?)

-=JAZZ=-

Ano bang nakakatawa sa pinanood namin? Hindi ko maintindihan ang babaw naman masyado ni sir Ken. Naiyak nga ako sa matandang nakita ko. namiss ko si lolo at lola ko. bakit ba nila ko iniwan? Nahihirapan na ko, ang lungkot mag isa kailangan magkaroon ako ng kaibigan. Sino naman? Ang hirap namang gawing kaibigan ng boss ko e. bukas na bukas tatanongin ko sya kung pwede ko s'yang maging kaibigan sa ngayon matutulog na muna ako.

*****

5:00am

Umaga na pala, kailangan ng bumangon para ipagluto ng pagkain ang Prinsipe ko este amo ko pala. Kailangan masarap iluto ko para pumayag s’yang maging kaibigan ko. ano ba iluluto ko? sinangag, tuyo, pritong itlog tapos mag titimpla na lang ako ng kape. Wow! Ang sarap pati ako gutom na. e kung mauna na kaya akong kumain kay sir? Wag!  baka magalit saka baka maubos ko pa ito. Gisingin ko na kaya s’ya? Papasok pa yun eh. Tama gigisingin ko na sya.

Ang gwapo n’ya talaga kahit tulog. Ganitong ganito yung principe ko na naiisip ko sa kwento ni lola.

“Sir Ken, Gising na po kakain na po.”

-.-  -.o -.- o.- o.o -.-  -ken.

“Grace?”

Sinong Grace ba sinasabi nito Jazz ang pangalan ko. ang dami sigurong babae nito at kung sino sino na lang ang tinatawag sakin. Aga aga iniinis n’ya ko.

“Hindi ako si Grace! Bumangon ka na nga d’yan kakain na, papasok ka pa!”

“Talaga hindi ka si Grace no! ang panget mo kaya tuwang tuwa ka naman napagkamalan kitang si Grace.”

“Bakit naman ako matutuwa? E hindi ko nga kilala yun eh.”

“Tssss. Umalis ka nga dito sa harap ko nakakasira ka ng araw eh.”

“Pano ko naman masisira ang araw? tignan nga lang s’ya hindi ko magawa, sirain pa kaya!?”

“Letse! Umalis ka na lang sa harap ko pwede.”

“E di aalis na, ginising ka na nga ang sungit sungit mo pa.”

“E bakit mo ko ginising? Kaya ko gumising mag isa no! hindi kita kailangan umalis ka na nga ay-.”

*Blaggggzzzzzzzzz

Binalibag ko na yung pinto hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Bwiset na yun. Hays bakit ko ba s’ya inaway? Dapat nga pala mabait ako kasi makikipagkaibigan ako.

“Taong bundok!”

O_o? tinatawag n’ya ba ko?

“Taong bundok!”

^___^ tawag n’ya nga ako. Jazz magpakabait ah. Ilabas mo na yung panlaban mo sa lolo mo. Pag ako umarte walang makakatanggi.

“Sir, bakit  po?” tanong ko na may halong lambing.

“Hindi pa pala ko makakababa tulungan mo ko!”

“Sabi ko naman kasi sayo e. hindi ka kasi nakikinig tinutulungan na nga kita.”

Pagkasabi ko non hinawakan ko s’ya sa bewang at tinulungan makatayo. Tapos nakita ko yung mukha n’yang gulat na gulat. Sigurado  nagtataka na s’ya kung bakit hindi ko pinatulan ang pagsigaw n’ya.

“Hoy Taong bundok, sigurado ko may binabalak ka. Wag mo ng ituloy.”

^_^ nginitian ko lang s’ya hindi na ko nagsalita.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon