Chapter 24
(Simula na ng panlliligaw)
-=Ken=-
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa loob mismo ng kwarto ko. Pagdilat ko nakita ko si Jazz.
Ang aga-aga ang ingay ingay bwiset. Pakanta kanta pa hindi nga ako nakatulog kasalanan n’ya.
“Good morning” ^__^ bati n’ya.
“Naku hindi pwede! Ayaw ko.” Sabi ko naman
0_0?
“A-anong ayaw mo?”
“Yan, ayaw ko kung ano man yang ipapakiusap mo.”
“Aga-aga baliw ka! Wala akong hihingin sayo no.”
“Eh bakit ganyan ka makangiti? Sigurado talaga ko may hihingin ka sakin.”
“Wala nga! Tayo na d’yan.” Sabi n’ya sabay hila sa braso ko. At dahil mas mabigat ako bumagsak lang s’ya sa katawan ko.
“A-aray ano ba yan.” Sabi n’ya sabay yakap sakin.
“Wow naman! Sa lahat ng nasaktan ikaw lang ang yumakap pa.”
“Haha ito naman oh. Sige na tayo ka na maligo ka na.”
Tumayo naman ako agad at akmang kukuha ng damit pero pinigilan n’ya ako.
“Bakit?”
“Maligo ka na sabi. Ako na kukuha ng isusuot mo.”
“Ikaw? Kukuha ng damit ko?”
“Oo damit mo lang hindi ko pa ba kayang kunin yun?”
“Pwede ba wag mo nga akong tinatakot. Sarili mo nga hindi mo madamitan ng maayos. Tapos ako gusto mo ikaw kukuha ng isusuot ko. Baka akala mo magsasaka ko?”
“Tsssss. Yabang ang daming sinabi. alam mo ikaw! Wag na wag ka lang magagawi sa bundok pagtatawanan talaga kita ng bonggang bongga!”
“Ano ko baliw? Hindi talaga ko pupunta ron!”
“E di hindi! ikaw na nga itong inaasikaso ikaw pa nagagalit.”
“Wasus! Nagalit s’ya. ito naman bakit mo kasi ko inaasikaso? Yung bahay na lang ang asikasuhin mo.”
“Syempre hindi ko alam pano ba manligaw e.”
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...