Chapter 22
(Hindi ako mawawala. Aalis lang ako pag ikaw mismo ang nagpaalis sakin)
-=KEN=-
“Ken, bubuksan natin ito kapag 24 ka na.”
“Bakit ka pag 24 na ako? Ang tagal pa non ah.”
“Malalaman mo kapag nabasa mo na.” ^__^
Napanaginipan ko nanaman yung usapan namin ni Grace nung bata pa kami. Ano nga kaya yung sinulat n’ya ron? Bakit kaya parang hindi man lang naaalala ni Grace yung sinulat n’ya.
Anak ng… 7 na pala late na. kailangan ko ng maligo. Ma-l-late na si Jazz bakit hindi n’ya man lang ako ginising. Asar talaga yung babae na yun.
Nasan na s’ya? ang bango non ah. Langya nagawa n’ya pang magluto hindi man lang n’ya ako ginising.
“Hoy! Hindi mo man lang ako gini-.”
O__O
“Hindi ka pa naliligo? Tanghali na!”
“Ang ingay mo naman ang aga-aga sigaw ka ng sigaw. Wala akong pasok ngayun. Kung mag react ka naman para ikaw ang ma-la-late sa school.”
“Malamang ihahatid pa kita.”
“Ano ka ba wag ka ng mag abala. Hindi mo na ko kailangan ihatid. Dadaanan na lang ako palagi ni Jennica kasi palagi n’ya naman pala nadadaan ito. Malapit lang s’ya dito eh.”
“Ganun ba? Buti naman kung ganon. Baka naman may iba lang maghahatid sayo kaya ayaw mong magpahatid?”
“Hmp, selos ka naman. Wag ka ngang seloso masyado. Sinabi ko na diba? Sayo lang ang ako magpapaligaw.”
“Wag ngang makapal masyado ang mukha mo! sineryoso mo na yung joke ko ah. Wala akong balak ligawan ka no.”
“Ganon ba? Ibig sabihin pala pwede ko ng sagutin si Dennis?”
Bwiset na babae to. Akala mo kagandahan ako pa tinakot.
“Subukan mo. pipilipitin ko leeg mo.”
“Hooooh kunwari ka pa.”
“Ayaw ko lang masaktan si Grace no! tanggap ko nang sila ni Kuya ang magkakatuluyan.”
“Ganun o di sige si Jessie na lang ang sasagutin ko, dun walang magagalit.”
Hays.. bakit ba kasi ang daming nagkakagusto sa kanya. nakakabwiset na ha.
“E di sagutin mo! tapos lumayas ka na rin dito!.”
“Hindi pa ko pwedeng umalis dito no! hindi pa ako nakakatapos”
“Yun naman pala e di wag kang mag paligaw.”
“Hmp, sige na nga kahit ayaw mong umamin na ayaw mo akong magpaligaw sa iba dahil gusto mo ikaw ang manligaw. Sige hindi ako magpapaligaw.”
Ngumiti na lang ako sa kanya. hindi ko alam kung natatawa ba ako sa sinabi n’ya o aminado ko sa sarili ko na tama ang sinabi n’ya.
“Wag mo na kong titigan! Baka lalo mo lang akong mahalin.”
0__0?
“Wahahaha ang kapal talaga ng mukha mo.”
“OO na. maupo ka na d’yan kakain na tayo.”
Sumunod naman ako agad sa kanya. sa sarap ng amoy ng niluto n’ya sino naman ang tatanggi.
“Hmmmmn ang sarap mo talagang magluto! Grabe nasasanay na ko sa luto mo. pano pala pag nawala ka na. siguradong malulungkot ako.”
“Ken, hindi ako mawawala.”
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
רומנטיקהMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...