CHAPTER 54

4.2K 115 3
                                    

Chapter 54

-=Jazz=-

Napalingon kami ni Ken, nang marinig naming may tumawag sa pangalan namin.

“Jane?”

“Ako nga!” nakangiting sagot n’ya.

Pambihira si Jane lang pala pinaabot ko pa ng Chapter 53 nagpakahintayhintay pa ang mga readers ko haha.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong naman ni Ken.

“Bakit kayo lang ba ang pwedeng pumunta dito?” sagot naman ni Jane. Naku po nahawa na s’ya sa ugali ni Ken.

“Bakit may sinabi ba ako?” sagot naman ni Ken.

“Wala. Hmp! Nakakainis ka kahit kailan talaga hindi ako nanalo sayo!”

“Bakit? Nakikipaglaro ba ako?”

“Hmp, oo na sige na suko na ko. nandito ako kasi  nag d-date kami ni Jericho.”

“Wahhhhh talaga?” kilig na tanong ko.

“Yes, ang saya-saya ko nga e. teka muna te, bakit nakabigote ka d’yan? anong ganap?”

“Haha wala lang trip ko lang ng kakaibang date. E nasan na ba si Jericho?” tanong ko.

“Ayun oh!” turo n’ya naman. Tapos biglang sumama ang tingin ng makitang may kausap na babae si Jericho. Sumugod naman s’ya agad kasunod kami.

“At sino ka naman?” tanong ni Jane sa babaeng kausap ni Jericho.

“Eloisa Domingo! Bakit?” sagot naman nung babae.

“Wala akong pakialam kung anong pangalan mo! bakit ka ba lumalapit sa boyfriend ko?”

“Nagtatanong lang ako. nawawala po kasi ako e.”

“So? Hindi na kasalanan ng boyfriend ko kung tatanga-tanga ka kaya nawala ka.”

“Ay wow ah! Nagtanong lang tanga agad? Hindi ko rin kasalanan kung ta-tanga tanga ka! nakita mo na ngang gwapo ang boyfriend mo iniiwan mo lang kung saan-saan.”

“Eloi!” tawag naman ng isang babae na palapit na rin samin ngayon.

“Ano ka ba kanina ka pa namin hinahanap.”

“Ay wow Rosa ha kasalanan ko pa e ang bilis n’yong maglakad?”

“Hindi kami mabilis loi, mabagal ka lang talaga.” Sagot naman nung tinawag n’yang Rosa. Mukhang sila naman ang nag-aaway.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon