(Ako ang pinili ^___^)
-=JAZZ=-
Lumabas na si Ken nang kwarto. Siguradong si Grace nanaman ang pinili n’ya. sino ba naman ako diba? Isang hamak na katulong lang. asa pa ko. Kaya nga ako nag kasakit dahil pinili n’ya rin si Grace. Hinang hina na ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mamatay na ba ako? First time ko atang magkakasakit. Hindi ko matandaang nagkasakit na ko e.
Natigil ang pagiisip ko nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Ken.
“M-may nakalimutan ka?” tanong ko.
“Wala no. anong nakalimutan?”
“Di ba umalis ka na?”
“Anong umalis? Nagsabi ba kong aalis ako?”
“So ako ang pinili mo?”
“Anong magagawa ko e ako ang da-.”
Hindi ko na pinatapos kung ano man ang sasabihin n’ya napatayo ako sa higaan ko at niyakap ko s’ya. kaso saglit lang bigla rin akong natumba.
“Ano ka ba naman! Ang OA mo kasi may patayo tayo ka pa. akala mo naman kaya mo na.”
Pagkasabi n’ya non binuhat n’ya ko at inihiga ulit sa kama ko.
“Natuwa lang ako kasi pinili mo ko.” ^___^
“Wag ka ngang matuwa d’yan ginawa ko lang yun kasi ako naman may kasalanan kung bakit ka nag ka ganyan.”
“Ah basta! Salamat pa rin.”
“Sige na bababa lang muna ko para ipagluto ka para makakaen ka na at makainom nang gamot.”
“I-ipagluluto mo ako?”
“ANO KA BA! TIGILAN MO NGA ANG KAKAULIT SA SINABI KO!”
“Sus, ngayon ko nga lang inulit sinabi mo e.”
“Alam mo sa lahat ng may sakit. Ikaw ang madaldal. Manahimik ka na nga lang d’yan. Kung ayaw mong magbago ang isip ko at iwanan pa kita dito.”
“Sus. Hindi mo gagawin yun. Hindi mo ko kayang iwan ikaw pa! e labs na labs mo ko.” ^___^
“What?!”
“Biro lang. suplado.”
Hindi na n’ya pinansin ang sinabi ko bumaba na s’ya para magluto. Hindi ako makapaniwalang ako. Ako ang pinili n’ya. hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko parang gusto ko yatang magkasakit na lang palagi. Ramdam na ramdam ko kasi na mahalaga ako sa kanya.
-=KEN=-
Tama ba na si TB ang pinili ko? Hindi maalis sa isip ko si Grace. Siguradong galit na galit na s’ya ngayon. Pero hindi ko pwedeng pabayaan si TB. Isa pa ewan ko. pero naiisip ko si TB na parang si Grace. nung bata pa s’ya nung inalagaan ko s’ya. Ganitong ganito rin yung nararamdaman ko. Natatakot na baka hindi na s’ya gumaling at mawala s’ya sakin. Ang OA no? kahit ako nagtataka.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomansaMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...