CHAPTER 7

6.2K 168 0
                                    

(HHWW)

-=JAZZ=-

Grabe ano ba yan. hindi ako nakatulog kakaisip sa gwapo kong amo. Bakit ba kasi ang sweet niya kagabi.

“Hoy TB gising ka na pala e. magluto ka na nang almusal  gutom na ko.”

Nakakagulat naman tong si Sir Ken. Tignan mo nga naman e no kagabi lang ang sweet niya pa ngayon ang sungit nanaman.

“Hindi ka man lang ba marunong kumatok? Oo sige bababa na po. Ang gwapo natin ah aalis ka?” tanong ko.

“Ay hindi pantulog ko lang ito.” Sagot niya.

“Pantulog mo pantalon? Ay wow!”

“tssss. Wala ka talagang ka kwenta kwenta kausap! Oo, aalis ako kaya bilisan mo na. kilos na nang makaalis na ko.”

“Sama ko.” sabi ko.

“Hindi ka pwedeng sumama no. magta-trabaho ko.”

“Sige na please…”

“Hindi nga pwede.”

“E di wag ka na lang pumasok!”

“Mas lalong hindi pwede.”

“Sig-.” hindi ko na natapos ang sasabihin ko biglang may nag doorbell.

*Ding…dong…ding…dong…

“Tignan mo nga kung sino yun. Aayusin ko lang gamit ko susunod na ko sa baba.”

“Hmp. ewan ko sayo hindi kita bati.”

“Tsss. Wag ka ngang mag pacute. Hindi ka cute.”

*Ding…dong…ding…dong…

“Baba na sasagot pa e.”

Sino naman kaya ito? Ang aga naman bumisita.

“Goodmo-.” Hindi ko na natatapos ang sasabihin ko dahil nabigla ako. Ikaw ba naman ang yakapin bigla hindi ka magugulat.”

“Goodmorning Jazz” ^___^

Si sir Jericho pala.

“Sir, iKaw pala. Ang aga natin ah. Saka ang ganda ng ngiti natin ah. Birthday mo?” tanong ko.

“Hahaha… ang cute mo talaga. Hindi ko birthday Masaya lang ako. Kasi sinunod ko yung payo mo at alam mo ba? Text s'ya ng text sakin ngayon saka tawag nang tawag. Sarap pala ng feeling na hinahanap ka.”

“Ah. Akala ko naman kung ano na.”

“Sobrang saya ko lang talaga. Salamat talaga at dumating ka sa buhay ko.” sabi n’ya habang hawak hawak ang kamay ko.

“MASAYA KA? HALATA NGA. KAILANGAN HAWAK MO PA KAMAY NI TB? ANONG AKALA MO JAN MIC.?”

Sabay naman kaming napalingon sa boses. Si Sir Ken pala. Napakaseloso talaga.

“Napaka seloso mo talaga. Hoy ken may kasalanan ka sakin ah. Hindi naman pala ko tinawag ni Jessie nung isang araw eh. loko ka talaga.” –Jericho.

“Kasalanan ko ba kung uto-uto ka? Ano ba ginagawa mo dito? ang aga-aga nang i-istorbo ka.”

“Wala, dinadalaw ko si Jazz bakit?”

“Hoy bahay ko to! Sinong Jazz sinasabi mo?”

“Ito si Jazz!” sagot naman ni Jericho sabay akbay sakin. Bigla namang inalis ni Sir Ken yung  kamay ni Jericho sakin. ^_^ kilig diba. Hindi halatang nagseselos s’ya.

“Bakit mo dinadalaw wala naman sakit yan? aalis na ko saka mo na lang s’ya dalawin.”

“E di umalis ka. Si Jazz nga dinadalaw ko diba? Pakialam ko naman kung aalis ka.?!” Sabi ni Jericho. Sabay tingin sakin.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon