CHAPTER 9

5.9K 192 17
                                    

Pasensya na po kung matagal ako mag update. madami lang kasing ginawa sa school.. Meat Republic mabuhay kayo. ^___^ salamat po sa mga nagbabasa. ginaganahan ako mag update pagnakikita kng may nagbabasa pala.

*******************************************************************************************************

CHAPTER 9

(Jessie: “Jazz will you mary me?”)

-=KEN=-

Nakakahiya pati ako nadadamay na sa kabaduyan ng Taong bundok na ito. Hindi ko maisip na pati pala ako e nkikipagharutan na sa kanya. Ewan ko ba pero masaya ko pag kasama ko s’ya. Parang hindi ko na nga masyadong naiisip si Grace. Pinagmamasdan ko s'ya habang naglalakad kami dito sa mall. Napakainocente n’ya. Hindi ko hahayaang saktan s’ya nang ibang tao. Hinahayaan ko lang s'yang kumapit sakin kasi alam kong natatakot s’ya. Ito na siguro yung pagbawi ko sa kanya. Hindi man ako pumayag sa alok n’yang pakikipagkaibigan dahil yun sa  nakabitaw ako nang pangako kay Grace. Ipaparamdam ko na lang sa kanya ang feeling nang may kaibigan.

“Sir Ken hindi pa ba tayo uuwi?” tanong n’ya

“Mamaya mag g-grocery pa tayo. Wala pa naman yung driver nagpasundo ako.” Sagot ko.

Papasok  na sana kami sa loob kaso bigla n’ya ko hinila palayo tapos dinikit n’ya ung bibig n’ya sa tenga ko.

“Sir. Pano ba pumasok? Bakit may bakal?” bulong n’ya.

“basta itulak mo lang iikot yang bakal.” Ano ba yan.

Lumapit naman s’ya agad. Tapos inikot n’ya nga.

“Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.”

“Sir? Bakit?” tanong n’ya.

“Bakit mo tinulak nasalikod ako eh.” Sabi ko habang hawak yung parte nang hita ko na tinamaan n’ya. Buti na lang matangkad ako. Kung hindi wasak na ang kinabukasan ko.

“E sir sabi mo itulak?”

“Oo nga pero wag mong lakasan kahit simpleng tulak lang iikot yan. Kita mong nasalikod ako e. ako yung tinamaan ng bakal.

“Sorry naman sir, ang tamad mo kasi. E kung pinakita mo sakin kung pano e di hindi ka nasaktan.”

Babae na ito hindi talaga nagpapatalo. Napakamalas ko talaga pagkasama ko ito. May sumpa ata ang babaeng ito.

“Pwede ba wag mo na kong tawaging SIR”.

“Bakit kasi parang kaibigan na tayo?” tanong niya.

“HINDI! WAG MO NA KONG TAWAGING SIR. TUTAL BASTOS KA NAMAN HINDI KA MARUNONG GUMALANG SA AMO MO.” Sigaw ko. pag hindi pa s’ya gumalang sakin pag tapos nito ewan ko na lang. siguro naman mapapaisip na s’ya.

“Okay, kung yan ang gusto mo. Ken dun tayo!”

                       

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon