CHAPTER 68

3.6K 96 12
                                    

Chapter 68

 

-=Ken=-

 

Pagdating na pagdating ko sa ospital bumaba ako agad ng sasakyan.

 

“Sir, paki-alis po ang sasakyan niyo dito, harang po sa daanan.” Sigaw ng guard pero hindi ko na sya pinansin. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Halos hindi ko na rin makita ng maayos ang daanan dahil hilam na hilam na ako sa sarili kong luha. Bakit kailangang gawin to ni Jazz? pagpasok ko sa emergency room nakita ko sina kuya. Agad namang lumapit sakin si Jessie.

 

“Wala kang kwenta! Ang kapal ng mukha mo! pumunta ka pa dito!” sigaw ni Jessie habang pinagsususuntok ako. hindi ako lumaban wala akong lakas. Hindi ko rin nararamdaman ang mga suntok n’ya. nang awatin s’ya nila Vince. pinilit kong bumangon pagkatapos naglakad ako palapit kay kuya Dennis.

 

“Kuya asan na si Jazz?” tanong ko. hindi n’ya pa ako nasasagot hinila na ulit ako ni Jessie at muling pinagsusuntok.

 

“Kung umpisa pa lang ipinaubaya mo na sakin si Jazz! hindi na sana nangyari sa kanya ito! Wala kang kwenta! Papatayin kita! Lumayas ka dito! Ayokong makita dito ang pagmumukha mo.”

 

Pinilit ko ulit bumangon at halos pagapang na akong lumapit kay kuya. Hindi ko pinapansin si Jessie. sarado ang isip ko ngayon ang tanging gusto ko lang ay makita si Jazz.

 

“K-kuya nasan si Ja-.” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sinipa ako sa mukha ni Jessie.

 

“Umalis ka na bago ko pa makalimutang naging kaibigan kita. Wala kang kaparatang makita kahit na anino ni Jazz tandaan mo yan!”

 

Wala na akong lakas para tumayo pa. napayakap na lang ako sa binti ni Jessie

 

“Dalhin mo ako kay Jazz, pakiusap. Nagmamakaawa ako sayo Jessie dalhin mo ako kay Jazz. Jessie, kailangan kong makita si Jazz, hinahanap n’ya ako. hinihintay n’ya ako dalhin mo ako sa kanya. Jessie… Jessie… parang awa mo na.”

 

“Tarantado ka kasi!” sigaw n’ya. pero pagkatapos n’ya akong sigawan tinulungan n’ya akong makatayo. Tapos inuupo ako sa isang upuan.

 

“Hintayin na lang natin ang doctor. Hindi ka rin naman papapasukin sa loob.” Sabi n’ya. maya-maya lumabas na rin ang doctor.

 

“Doc. Nasan na si Jazz?” tanong ko agad pag labas ng doctor.

 

“Nag-papahinga na s’ya. pasalamat tayo at hindi s’ya masyado napuruhan sa tingin ko nakapagpreno ang truck agad. kaya lang dahil sa mga kahoy na bumagsak na sakay ng truck napuruhan s’ya sa ulo. ang tanging magagawa na lang natin sa ngayon ay magdasal at maghintay na magising s’ya.” agad naman akong pumasok sa loob. Lalo akong naiyak pag-kakita ko sa kanya hindi ako sanay sa ganitong itsura n’ya.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon