CHAPTER 32

4.6K 124 5
                                    

Dahil binantayan n'ya (MissyWhiteForever) ko ngayong gabi nagawa ko yung chapter 32. antok na talaga ko bukas mag update ako promise....

Chapter 32

 

Unag araw na wala si Ken T_____T

*************************************************************************************************** 

-=Ken=-

 

Ano ba yan author ano bang balak mo at inalis mo pa ko dito? Ako bida dito eh. Ayan tuloy baka huling POV ko muna ito. Wag n’yo ko ma-mi-miss masyado.

Hindi ako makatulog kaya inayos ko na yung mga dadalin kong gamit. Alangan namang i-asa ko pa ito kay Jazz baka kung ano pa ang damit na i-pabaon n’ya sakin.

Tapos na ko. Wala na ba kong gagawin? ahhh alam ko na.

Calling Justine…

Justine: “Hello? ang aga mo naman mambwiset. Bakit ba?”

Ako: “Sunduin mo si Jazz dito tapos ihatid mo sa school.”

Justine: “Anak ng tokwa ka naman 2am pa lang! 10 pa ang pasok n’ya. ang OA mo naman. Hindi s’ya ganon kahalaga sayo ah.”

Ako: “Dami mo naman sinabi. pinapaalala ko lang sayo. Baka kasi makalimutan mo.

Justine: “Hindi po! Hindi ko po kakalimutan. Pwede na ba kong matulog ulit?”

Ako: “Oo na sige basta pag ako nabalitaan kong na-late yan ah yari ka sakin.

*toot…toot…toot..toot..

Lokong yun binabaan ako.

Wala na akong magawa. Magluluto na lang ako i-pagluluto ko na lang s’ya. para lalo n’ya akong ma-miss ^o^.

Hoho kapagod mag-luto ah. 4am na nakaligo na rin ako. 6 pa ko aalis may dalawang oras pa ko para titigan s’ya. ^__^ magbabaon ako baka ma-miss ko eh.

5:30

Susulatan ko s’ya. para pag gising n’ya wag na s’yang mag-alala sakin. san ko ba ito ilalagay? Pag pinatong ko lang ito dito sa table itatapon n’ya lang ito. Dapat dun ko ilagay to sa makikita n’ya agad. ^__^ saan pa ba? eh di sa pinto sigurado hahabulin pa ko nito.

6am

Ito na talaga yun. Kailangan ko na talagang umalis. Nakakainis naman itong si Jazz. ayaw ko s’ya gisingin sarap kasi nang tulog n’ya. pero umaasa ako na sana magising s’ya pero wala. Hindi talaga nagising nakakainis. Kunwari pa nalulungkot wala ako. Tapos ganyan matulog parang walang bukas.. ako pa ang hindi nakatulog dahil iniisip ko kung pano ba ko makakatulog kung iniisip ko pa lang na hindi ko s’ya makikita ng ilang araw eh. Lungkot na lungkot na ako. T_T bakit ba kasi ako pa ang pupunta sa business meeting na yun? Pwede namang si kuya Dennis na lang. pero kasi talagang magaling ako kaya kailangan ako talaga.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon