Chapter 40
Ihi na lang ang nagpapakilig sakin.
*******************************************************
-=Jazz=-
Pati si Nash nakatulala sa sinapit ng kapatid n’ya. dahil don lahat ng tao nakatingin na samin.
“Maraming beses na kitang binalaan na tigalan si Jazz pero hindi ka tumigil!” sigaw ni Ken.
Dumating na rin sina Justine,Raffy,Jessie,Vincent, Dennis and Jericho.
Si Vincent tumabi kay Nash.
“Ken, Please nakikiusap ako sayo wag kang gumawa ng gulo dito.” Sabi ni Vince.
“Yang babae na yan ang pagsabihan mo!”
“Kung ano man ang sinabi sayo ni Jane wala kang karapatang saktan s’ya ng ganon.” Sabi naman ni Jericho na nakatingin ng masama kay Ken habang tinutulungan makatayo si Jane.
“Yung sabihan n’ya ako nang kahit ano matatanggap ko! Pero ang insultuhin n’ya si Jazz sa harap ko, hindi ko yun mapapatawad!” sabi naman ni Ken na galit na galit pa rin.
“Bakit Ken? nagagalit ka sa sinabi ko kasi totoo? Kaya mo ba s’ya syinota dahil hindi mo makuha kay Grace ang gusto mo!” Sigaw naman ni Jane na parang hindi pa nadala sa ginawa n’ya.
Akmang susugod nanaman si Ken pero niyakap ko s’ya.
“Tama na Jane utang na loob!” sigaw ni Nash sabay hila kay Jane.
“Sandali lang ate, may nakalimutan ako.” Sagot naman ni Jane. At binitawan naman s’ya ni Nash tapos kinuha n’ya yung isang baso sa gilid ng table na puno ng tubig tapos…
0III0
Binuhos n’ya sa mukha ko yung tubig.
“Para magising ka!” sigaw n’ya pa.
“Ay gago!”sabi ni Jessie sabay tulak kay Jane dahilan para matumba s’ya.
Agad namang naglabas ng panyo si ken at pinunasan ako.
“Ayos ka lang ba Jazz?” tanong naman sakin ni Dennis.
“Tara sa loob para makapagpalit ka ng damit.” Sabi naman ni Nash.
Nung naglalakad na kami palayo nag salita nanaman si Jane.
“Ate, pati ikaw sasama ka d’yan? Ano iiwan mo rin ba ko dito? Sige okay lang nandito naman sakin si Jericho e.” sabi n’ya.
Tapos niyakap n’ya si Jericho. Pero nagulat kami dahil inalis ni Jericho ang pagkakayakap n’ya. tapos lumakad palapit samin.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...