Chapter 45
(I hate myself for still waiting for you. . .)
-=Jazz=-
Kanina pa kami pa-ikot ikot sa daan pero mukhang wala nanaman kaming mapapala. Kasama ko ngayun sina Dennis,Jessi,Jericho and Justine. Hinahanap namin si Ken dahil tatlong araw na s’yang nawawala T___T parang si Vince bigla na lang s’yang nawala. Naalala ko pa yung huling pag-uusap namin nung nakainom s’ya na sumugod sa bahay.
*Flashback
“Ken, Narinig ko na yan. Luma na yan! Hindi na ako naniniwala d’yan.”
“Ito bago.”
Tumayo at niyakap ako mula sa likuran.
Please naman wag kang mawawala….
Kapag ako ay iwan mo…
mamamatay ako
Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko
Mahal kita sobrang mahal kita
Wala na akong pwedeng sabihin pang iba
Kundi sorry talaga di ko sinasadya
Talagang sobrang mahal kita
Wag kang mawawala. . .
Jazz, sorry na. mahal kita.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay n’ya. gusto kong maniwala sa kanya pero napapagod na kong maniwala, lalo na at nakainom s’ya alam kong hindi n’ya alam ang mga sinasabi n’ya. lumakad na ko paalis pero nagsalita pa s’ya ulit.
“Jazz, nagmamakaawa na ako sayo! Binaba ko na ang pride ko para sayo! Alam mo bang ang pride ko e kasing halaga ng virginity ninyong mga babae? Pero ganon ganon ko lang kinalimutan yun para sayo. Kahit kailan hindi pa ako nakiusap. Ngayon kapag hindi ka sumama sakin. hinding hindi na ko babalik dito para suyuin ka! hinding hindi mo na rin ako makikita.”
Gusto kong humarap. Gustong gusto kong humarap pero papairalin ko nanaman ang katangahan ko kung haharap ako. T__T kaya nag desisyon akong wag lumigon. Pagsara ko ng pinto na rinig ko pa rin s’ya.
“Jazz!”
“Jazz, please uwi na tayo!”
*bang…bang..bang…
“Jazz!!!”
*end of flashback
Ayun na yung huling beses na nakita ko s’ya at narinig ko ang boses n’ya. Ken, nasan ka na ba?dapat pala sumama na ako pauwi T___T pero hindi ko pa kasi kaya e.
“Wala talaga hindi raw nila napansin.” Sabi ni Jericho.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...