Chapter 56
(Hindi na ako katulong.)
-=JAZZ=-
Hindi ko maintindihan si Ken, kanina lang ang saya-saya pa namin. Kaya ba ganon kami kasaya kasi binabalak na nga n’yang tapusin ang relasyon namin? T______T ang sakit diba parang sinaksak ako sa puso pag karanig ko sa sinabing n’yang. Ibabalik na n’ya ako.
“Sigurado ka na ba anak?” tanong ni Mam Alex.
“Opo. Hindi ko na kailangan ng katulong. Kaya ko na alagaan ang sarili ko.”
“Naiintindihan ko anak.” Sagot naman ni Mam Alex.
Ako hindi ako makapagsalita. Masakit ang dibdib ko.
“Aalis na ako ma,” Paalam ni Ken.
Pagkasabi n’ya non bigla na lang akong napakapit sa kamay ni Ken.
“Ken, wag mo akong iwan, please. Gagawin ko na lahat ng gusto mo. hindi na ako magiging pasaway. Mas magiging malambing ako Ken, pabayaan mong alagaan kita. Wag mo naman akong iwan ng ganito.”
Hindi nagsalita si Ken, inalis n’ya lang ang pagkakahawak sa kamay ko tapos umalis na s’ya. nakatingin lang ako hanggang sa tuluyan na s’yang mawala sa paningin ko. sabay ng pagkawala n’ya ang pagbagsak ng luha ko. niyakap naman ako ni man Alex.
*Ding…dong…ding..dong…
Wala pang isang munitong nawawala si Ken. may nag doorbell na agad. Baka si Ken. baka binalikan n’ya ako. hindi nga ako nagkamali si Ken nga. Sa sobrang saya ko napasugod ako ng yakap sa kanya.
“Na miss kita.” Sabi ni Ken.
“Ken, bakit ka bumalik?” tanong naman ni mam Alex na nakangiti din.
“May sasabihin po ako sa inyo Mommy.”
“Ano yun? halika maupo tayo ulit.”
Pagkaupo namin hindi na binitawan ni Ken ang kamay ko. kinikilig ako. ^____^ hindi n’ya ako natiis no? binalikan n’ya rin ako agad. Pero ano naman kaya ang sasabihin n’ya?
“Mommy, si Jazz po,” Sabi ni Ken sabay turo sakin. “Girlfriend ko.” lumaki naman ang mata ng mommy n’ya hindi pa nga pala alam ng mommy n’ya na kami na ni Ken.
“H-hello po mam Alex.”
“Kayo na pala. Wag mo na akong tawaging “Ma’am.” Parang mas gusto ko na atang tawagin mo akong Mommy.” Sabi naman sakin ni mam Alex este Mommy pala. ^_^
“S-sige po, m-mommy.”
“Binalik ko s’ya dito kasi hindi ko na kailangan ng katulong. Pero nandito ako para ipaalam sa inyo na kami na ni Jazz at mahal na mahal ko po s’ya kaya sana wag kayong kumontra at wag na wag n’yo po sanang mamalditahin si Jazz, katulad ng ginagawa n’yo kay Grace.”
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...