CHAPTER 64

3.7K 99 4
                                    

Chapter 64

 

-=Ken=-

Nalulungkot ako sa ginawa ni Grace pero hindi sapat yun para ma-consensya ako at iwanan si Jazz, sobrang dami na naming pinaghirapan hindi ako susuko ng ganon-ganon na lang.

“Ma’am hindi po kayo pwedeng pumasok d’yan.”

Narinig ko namang sigaw ng secretary ko. maya-maya lang bumukas ang pinto at nakita kong pilit na hinaharangan ng secretary ko ang mama ni Grace.

“T-Tita?”

“Ako nga mag-usap tayo kailangan kitang maka-usap.” Sabi n’ya. sumenyas naman ako sa secretary ko na iwanan na kami.

“Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa Ken. alam kong alam mo kung anong pinunta ko dito.” Sabi ng mama ni Grace.

“Alam ko po kung anong pinunta n’yo. Pero hindi ko alam kung bakit kailangan n’yo pang pumunta dito.” Sagot ko naman.

“Gising na si Grace, at ikaw ang una n’yang hinanap. Gusto ko sanang puntahan mo s’ya.”

“Wala pong problema, mamaya pag-kasundo ko kay Jazz dadalawin  namin s’ya.”

“Wag na wag mong isasama ang babaeng yun kung ayaw mong magkagulo tayong dalawa. Hindi ka man lang ba na co-consensya sa ginawa mo sa anak ko ha, Ken?”

“Tita, hindi po dapat ako maconsensya. Dahil hindi naman po ako yung kutsilyong ginamit ni Grace, at maslalo namang hindi ako ang nagsabi sa kanyang gawin n’ya yun.”

“Hindi ako makapaniwala na nasasabi mo ngayon yan, Ken. kung hindi dahil sayo sana hindi na tumira pa ang anak ko dito! Kung hindi mo ko pinilit non na wag kunin si Grace. Hindi sana nangyari ito.”

“Kahit kailan hindi ako namilit, sinabi ko lang na wag mo s’yang kunin pero ikaw pa rin ang nagdesisyon. Isa pa nung hindi n’ya ako pinili bumalik na s’ya sayo pero hinayaan mo ulit s’yang bumalik dito.”

“Bastos ka! bumalik ka kay Grace! Isang linggo lang ang ibibigay ko sayo para mag-isip!” sabi n’ya sabay tayo na para lumabas.

“Hindi ako bastos, namimili lang ako ng ginagalang ko. Sino ka sa akala mo para sundin ko?si Grace nga hindi ako napilit ikaw pa? kahit isang taon pa ang ibigay mo sakin hindi ko pag-iisipan yang sinabi mo! at kahit matuluyan pa yang si Grace sa pagpapakamatay n’ya. hinding-hindi ako ma-co-consensya dahil yun ang pinili n’ya.”

“Talaga? E paano kaya kung si Jazz ang magpakamatay?”

“Hindi tanga si Jazz para gawin yun.”

“Sa tingin ko tama ka. hinding-hindi n’ya gagawin yon. Kaya ako  na lang ang magpapapatay sa kanya.” pag-kasabi n’ya non isinara n’ya na ang pinto hindi na n’ya hinintay na sumagot ako. hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi n’ya.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon