CHAPTER 28

4.8K 139 1
                                    

Chapter 28

(Ano ka ba? wag ka ngang umiyak d’yan akala mo ba papayag pa akong mawala ka? Kahit ikutin ko pa ang buong mundo hindi ako papayag na hindi kita makita! Kung kinakailangan kong kausapin lahat ng bobo sa mundo gagawin ko makita ka lang!)

-=KEN=-

“K-Ken kanina pa tayo sumasayaw.”

Nagulat ako nung nagsalita si Jazz nawala sa isip ko na nag sasayaw nga pala kami.

“Matagal talaga sumayaw sa JS.” Sagot ko.

“Ken, ang panget ko, dapat nakaayos ako.”

“Ano ka ba! hindi ka panget para sakin ikaw ang queen of the night.”

Pag kasabi ko non inilayo n’ya ang mukha n’ya sa dibdib ko tapos tinignan ako sa mata.

“T-talaga?”

“Oo.”

“hmmmnn… ang sweet mo.”

“Eh ikaw lang naman kasi ang babae dito!”

>___<

“Wala ka talagang kwenta! Akala ko pa naman sweet ka! Bucet!”

“Bakit ka ba naninigaw! Buti nga sinayaw pa kita!”

“Bakit mo ba ko sinayaw hindi naman kita pinilit!”

“EH PANO NAG PAPA-AWA KA!”

“Hmp, Ewan ko sayo! Kahit kailan talaga wala kang kwenta.”

Sagot n’ya tapos tinalikuran n’ya na ko.

“Eh di wala! Sige talikuran mo ko! Akala mo hahabullin kita? Manigas ka! Arte-arte mo palagi ka na lang sinusuyo!”

“TSE!” yun na lang ang nasabi n’ya nawala na s’ya sa paningin ko.

-=JAZZ=-

Hindi ako nakatulog kakaisip sa Ken na yun, nakakainis s’ya. bakit ba sa kanya pa ko nagkagusto? Nakakainis s’ya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko makakarating sa school. Kanina pa ako naka tayo dito sa may gate pinag-iisipan ko kung pano ko makakapasok. Tinawagan pa ako ni Jennica na hindi raw s’ya papasok ngayon.

Natigilan naman ako sa pag iisip ng may makita akong sasakyang paparating. Sino kaya ito pag siniswerte ka nga naman oh.

“Hi Jazz! Si Ken?” tanong n’ya.

hindi ko s’ya sinagot bigla akong pumasok sa sasakyan ni Justine kasi nakita kong bumukas ang pinto.

“H-hooooy!” habol na sigaw ni ken. nakita kong papalapit na s’ya samin.

“Justine tara na bilis!”

Sa gulat ni Justine bigla n’ya ngang pinatakbo ng mabilis ang sasakyan n’ya.

Habang nasa sasakyan tanong ng tanong si Justine.

“Bakit ba? m-may ginawa ba s’ya sayo? Pinilit ka ba n’ya?” tanong n’ya.

Hindi naman ako sumagot nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

“Jazz, kaibigan ko si Ken. pero kung may ginawa s’ya sayo hindi ko s’ya kukunsintihin.” Dagdag n’ya pa sa sinabi n’ya.

Hindi pa rin ako sumagot. Ang iniisip ko ngayon eh pano ko uuwi mamaya. Nagulat na lang ako ng huminto ang sasakyan at bumaba si Justine.

“Jazz nandito tayo, bumaba ka na.” sabi n’ya pag kabukas sa pinto ko.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon