CHAPTER 58

3.9K 112 1
                                    

Chapter 58

 

-=Ken=-

Nakakainis iniisip n’ya bang nambabae ako?

“Jazz, buksan mo itong pinto mag-usap tayo!”

“Ayaw ko! wala na tayo dapat pag-usapan. Malinaw na sakin ang lahat niloloko mo ako Ken. niloloko mo ako. sabi ko na nga ba kaya ganyan ka hindi mo na ako sinusundo.”

“hindi sinusundo? Kahapon lang kita hindi nasundo.”

“Naglilihim ka na sakin.”

“Hindi ako naglilihim wala naman kasing kinalaman sa ating dalawa yun. kaya hindi ko na lang sinabi.”

“Amoy babae ka at yung bra? Paano mo ipapaliwanag yun? ano Ken? wag mong sabihing nag b-bra ka.”

“P-para sayo yung bra.” Haist… pagkasabi ko non biglang binuksan n’ya ang pinto.

“Para sakin? bakit mo naman ako bibilhan non? At paano mo naman nalaman ang size ng bra ko?”

“Kaya nga mag-usap tayo ipapaliwanag ko sayo.”

Hindi s’ya sumagot pero pinapasok n’ya na ako sa kwarto n’ya.

“Ganito kasi yun……”

*Flashback

*ring..ring..ring…

 

May tumatawag sakin? sino kaya ito?

 

Ako: “Hello? sino ka?”

 

Unknown: “Anak, mommy mo ito.”

 

Ako: “Mom? Nagpalit ka ng no.?”

 

Unknown: “Nagpalit ako ng no. anak alam mo na marami kasing nanliligaw sakin hindi ko alam kung paano nakukuha ang no. ko.”

 

Ako: “Ay wow ang ganda ah.”

 

Unkonwn: “Oo nga ang ganda kasi ng mommy mo.”

 

Ako: “Asa ka naman. Matanda ka na noh! Kaya ka lang nila nililigawan kasi dahil sa pera mo!”

 

Unknown: “Grabe ka naman magsalita sa mommy mo. nagugutom ako anak samahan mo naman ako kumain.”

Ako: “Okay, sige sunduin kita d’yan.”

 

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon