-=KEN=-
(Sorry na by Ken pogi.)
Ano ba? Ano bang dapat kong gawin para mapatawad ako ni Jazz?
“Sorry Jazz. Hindi ka malandi.” Panget hindi pwedeng ganito. Baka pag narinig n’ya yung word na malandi magalit nanaman s’ya.
“Sorry. Kasalanan mo naman kasi.” Ahhh hindi pa rin pwede baka sabihin n’ya nag sorry pa ko galit naman ako.
“Ja-.” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko narinig ko may sasakyan dumating. Nandyan na sya.
Teka ano bang gagawin ko. Aakyat ba ko sa kwarto? Papasok ba ko sa CR? O magpanggap na lang akong tulog. Pero wala na kong nagawa. Bumukas na ang pinto at nagkatitigan lang kami. Pero nagbawi s’ya agad ng tingin tapos umakyat na sa taas. Hayst galit talaga s’ya. ano ba naman yan. mukhang hindi na s’ya bababa kanina pa s’ya sa taas e.
-=JAZZ=-
Tignan mo kanina excited ako umuwi para humingi ng sorry din sana. Pero ngayon nandito ako sa kwarto nagtatago. Hindi ko talaga alam kung pano s’ya haharapin. Eh mali pa rin naman sya. Kahit gaano s’ya kagalit sakin hindi dapat n’ya ko tinawag na malandi. Haist makapagluto na nga lang. habang bumababa ako sa hagdan dun lang ako nakatingin sa bandang kaliwa papuntang kusina. Ayaw ko s’yang tignan. Sakto pagkababang pagkababa ko biglang tumugtog yung gitara n’ya. nagulat tuloy ako. Pero naglakad pa rin ako papunta sa kusina. Pero natigilan din ako sa paglakad nang marinig ko ang boses n’ya.
“Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya…”
Napalingon naman ako sa kanya. tapos nagpatuloy s’ya sa pagkanta.
“Kung may nasabi man ako init lang ng ulo Pipilitin kong magbago. Pangako sa iyo.”
Napayuko naman ako. Naiiyak kasi ko.
“Sorry na, nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na sa ugali kong ito na ayaw magpatalo at parang sirang tambutso na hindi humihinto.”
Tapos tumigil s’ya binaba n’ya yung gitara n’ya tapos tumitig s’ya sakin. Ano ba itong ginagawa ko. Baka iniisip ko nanaman na para sakin yung kanta. Nakakahiya. Bigla na kong tumalikod at pupunta na sana sa kusina. Pero bigla s’yang tumugtog ulit ng gitara sabay ng pagkanta.
Sorry na talaga kung ako’y medyo tanga. Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit. Sorry na talaga sa aking nagawa. Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo. Sorry na…”
“Jazz, alam ko ng mali ako. Masyado kong nagpadala sa emosyon ko. Sorry na hindi ko talaga yun sinasadya.”
Pagkasabi n’ya non napatakbo ko sa kanya tapos nayakap ko s’ya. dun nag iiyak ako sa damit n’ya.
“Sorry din. Pinag-alala kita. Hind dapat ako basta sumama. Hindi dapat ako naniwala hanggang sa ikaw mismo ang magsabi sakin na hindi mo ako masusundo.” Pagkasabi ko non pinunasan n’ya ang luha ko. Tapos naramdaman kong dumampi ang labi n’ya sa mata ko. Matagal din kami sa ganong pwesto magkayakap lang kami.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
Любовные романыMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...