(Joyce Thank you sa palaging pag like ^_^)
Chapter 27
(Yung puso ko tumutugtog para sayo.)
-=KEN=-
“Hoy ano ba! bakit ba ang tagal tagal mo palaging magbihis? Ang panget din naman ng isusuot mo!” sigaw ko. Kanina pa ko naghihintay sa kanya dito sa labas ng pinto mag i-isang oras na.
“Bakit ba? Sino bang nagsabi sayong hintayin mo ko? Sabi ko diba dadaanan ako ni Jennica hindi mo na ko kailangan pang ihatid.” Sagot n’ya pag kabukas na pagkabukas ng pinto.
“Hindi puwede! Wala akong tiwala sa Jennica na yan baka mamaya kakampi pala ni Jessie o ni kuya Dennis yan.”
“Eh ano naman? Bakit ba takot na takot ka? Hindi naman ako magkakagusto sa kanila.”
0_0
“A-anong takot? Sino? Ako? Bakit naman ako matatakot sa kanila?”
“Sige i-deny mo hindi naman halata e. kahit yung mga nagbabasa nito hindi nila alam na gusto mo ko!”
Lakas n’yang mang asar talaga. Hoy kayo d’yan siguro sinasabi niyo sa kanya yung POV ko no. kaya nahahalata n’ya. asar!
Hindi na ko nagsalita bumaba na ko iniwanan ko na s’ya.
“Keeeeeeeeeeeeen!” habol n’ya.
“Oh bakit?”
“Wag ka ng magtampo.sorry na ah.” Sabi n’ya sabay kapit sa braso ko.
“Sasabay ka ba o hindi?” tanong ko na hindi pinapansin ang pag hingi n’ya ng sorry.
“Sasabay na ko.” Sagot naman n’ya. tapos sumakay na s’ya sa loob ng sasakyan.
“Anong ginagawa mo? baba!” utos ko.
“Bakit? Sasabay na nga ako e.” tanong n’ya.
“Baba!” sagot ko.
“Nag sorry na ako diba? Wag ka na magalit, bati na tayo!”
“BABA!”
“Ken naman e.”
“BABA SABI EH!”
Sumunod naman s’ya at bumaba na. binuksan ko naman ang pinto sa harapan.
“Sakay!”
“H-ha?”
“Sakay!”
“Ang gulo mo naman eh, kanina pinapababa mo ko ngayon naman papasakayin mo ko ulit.”
“Dito kita pinapasakay sa harapan kasi hindi mo ko driver!”
^___^ “ganon ba? Hindi mo kasi sinabi agad.”
Hindi ko naman s’ya pinansin tahimik lang ako sa loob ng sasakyan.
“Ken, galit ka ba sakin?”
“Hindi!”
“Weh! Galit ka eh.”
“Hindi nga!”
“Ken, samahan mo ko sa birthday ni Nash.”
“Ayaw ko nga! Hindi naman ako invited eh.”
“Sige, tatawagan ko na lang si Dennis.”
“Oo na sige na! ikaw talaga para kang si Nash. Excited ka eh next week pa naman birthday n’ya.”
“Pumapayag ka na?”
“Oo na nga!”
-=JAZZ=-
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...