Magkakaroon po muna ng POV yung mga extra ah wala kasi si Ken pansamantala lang muna. ^o^ salamat.
Chapter 33
JESSIE
*******************************************************
-=JESSIE=-
^__^ sasamantalahin ko hanggang busy ang lahat ng tao. Wala silang lahat ako ang naiwan pag-kakataon ko na ito para solohin ang Jazz ko. Malay n’yo diba mahulog s’ya sakin ngayong wala si Ken. Sana naman kayong mga nagbabasa eh wag tumutol sa Jazz and Jessie love team mas bagay naman kami eh. Ito pinagluluto ko s’ya masarap na masarap ito s’ya pa lang ang babaeng pinagluto ko. At syempre hindi mawawala yung lollipop ko na sabi nga sa chapter 9 kung nabasa n’yo. Ipapatikim ko lang ito sa babaeng mapapangasawa ko. Nung ginawa ko kasi ito isinumpa ko na ang babaeng kakain nito pakakasalan ko. Kapag ito natikma n’ya. hindi ko na talaga s’ya papakawalan. Kahit ngayon itatanan ko s’ya.
*ding..dong..ding..dong..
Nandyan na s’ya. nagtatakbo naman ako agad sa pinto para pag buksan ang aking princesa.
^_________________^ “Hi, Jazz” masayang masayang bati ko.
“Hello” bati n’ya naman. Halatang malungkot.
“Hi Jessie!” Boses ng maligno.
>____< bakit ba nandito nanaman itong Je-. Ano nga ba pangalan n’ya?
“O bakit ka nandito?” walang ganang sagot ko sa bati n’ya.
“Sige Jazz uwi na ko ayaw ata ni Jessie na nandito ako e.” (_ _)
Buti naman at alam n’ya.
“Hindi dito ka lang! Jessie ayaw mo ba na nandito s’ya?” tanong ni Jazz.
“Oo.” Sagot ko.
“JESSIE!” sigaw naman ni Jazz na parang nagagalit.
“H-ha, h-hindi a-ang ibig kong sabihin bakit nandito s’ya. pasok tayo sa loob pinagluto kita.” Sagot ko naman habang pinipilit kong ngumiti.
“S’ya lang?” tanong nung maligno. Kasabay ng pag-tingin sakin ni Jazz na parang nag tatanong din.
“H-HINDI PINAGLUTO RIN KITA SYEMPRE. May lason nga lang.” sagot ko na binulong ko sa kanya yung bandang dulo halata namang nagulat s’ya.
0//0 “M-ma may LASON?” sigaw naman n’ya.
Bwiset pakiramdam ko inaasar n’ya talaga ko. Tinignan naman ako ng masama ni Jazz.
“Jessie? anong lason?” tanong ni Jazz.
“HA? LASON? Sabi ko MAYLASA! Ikaw talaga ang bingi mo.” sabi ko sabay kurot sa pisngi ni Maligno.
“Minsan maglinis ka ng tenga ha! Gamitin mo barena!”
“Hahaha ikaw talaga palabiro ka pala.” Sagot n’ya tapos humampas pa sa may braso ko.
“Hahaha oo minsan talaga palabiro ako.” Sagot ko naman sabay hampas din sa braso n’ya. napalakas ng konti kaya nasubsob s’ya.
“Jennica!” sigaw naman ni Jazz tapos tinulungan makatayo yung kaibigan n’ya.
“Naku sorry ah! Hindi ko alam na may pag kalampa ka pala!”
“Ikaw talaga Jessie, magdahan-dahan ka nga. Jen, mabibihis lang ako. Jessie samahan mo na muna sa kusina si Jennica.” Sabi ni Jazz.
“Sure ka? Baka gusto mo ikaw samahan ko?” tanong ko.
“Baliw ka talaga! Magbibihis nga ako diba?”
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...