CHAPTER 53

4.1K 114 6
                                    

Chapter 53

(Ang gwapo kong Girlfriend)

 

-=Ken=-

 

Ang tagal naman ni Jazz kanina pa s’ya nag aayos.

“Jazz bilisan mo naman! Nag gown ka pa ba?”

“Nandyan na.”

“Wala kapa dito.”

“Pilosopo! Papunta na.”

“Hintayin kita sa baba ah?”

“Sige.”

Nakakailang hakbang palang ako pababa ng tawagin n’ya ako.

“Ken!”

Pagkarinig ko sa pangalan ko, napangiti ako. tapos dahan dahan akong lumingon.

0_0

-_-

0///0

“Ano yan? Bakit ganyan ang itsura mo?”

“Sabi ko sayo diba gusto ko ng kakaibang date.”

“Hays ano ba yang itsura mo? ayaw ko makipagdate ng ganyan.”

“Ken, sige na. kinakahiya mo ba ako pag ganito?”

“Kahit katulong ka pa, kahit taong bundok ka pa, kahit ikaw pa ang pinakatangang tao sa mundo. Kaya kitang ipagmalaki na girlfriend ko. wag lang ganyan! Baka sabihin naman ng mga tao sinasamantala ko na maytama ka sa utak.”

“Mukha ba akong may tama sa utak?”

“Sa itsura mo ngayon? OO”

“Wala ka pala e. hindi ka katulad ni Justine. Hindi mo ako mahal katulad ng pagmamahal n’ya kay Raffy.”

“Jazz naman e.”

“Hindi sige wag na lang tayo mag date.”

Haist nakakaasar naman kasi e. kayo ba makikipagdate ba kayo sa ganyang itura? Masmukha pa s’yang lalaki sakin. naglagay pa talaga s’ya ng bigote. Pang-asar. Waaaaaaaahhhhhhh

“Sige na sige na okay na yan.”

“talaga Ken?”

Inakbayan ko s’ya bago ako sumagot.

“Opo matitiis ko bang malungkot ang asawa ko.”

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon