CHAPTER 60

3.9K 104 8
                                    

Chapter 60

(Si Grace ba talaga ang nakatadhana para kay Ken?)

 

-=Ken=-

Nagising ako dahil sa kiss na naramdaman ko.

“Good morning Ken, happy birthday.” Bati sakin ni Jazz. habang hawak hawak n’ya si Jake.

“Jake batiin mo si papa. Happy birthday papa.”

“Ang sweet naman ng mag-ina ko. alam mo hindi pa natatapos tong araw na ito. Ito na ang pinakamasayang birthday ko.”

“Talaga?”

“Oo makita lang kita masayang masaya na ako.”

“Ahhhhhhhh ang sweet.” Sabi nya sabay yakap sakin.

“Jazz ano kaya kung itakas na lang kita ngayon punta tayo sa malayo sa walang istorbo? Yung tayong dalawa lang?”

“Maganda yang idea mo. pero wag ngayon planado na ang lahat bro.”

Napalingon naman kaming lahat sa nagsalita. Si Vince pala kasama si Nash.

“Ang aga n’yo namang mang istorbo.”

“Haha kanina pa nga kami dito hinihintay kang magising nakakahiya kasi sayo tulong mantika ka! happy birthday bro. mamaya magiging sobrang saya mo na.” sabi ni Vince. Mukhang nagtataka naman si Jazz wala pa nga pala s’yang alam tungkol sa plano kong yayain na s’yang magpakasal mamaya.

“Sorry sa pang i-istorbo pero kailangan ko ng sunduin si Jazz. Marami pa kaming gagawin ngayon eh.” Sabi naman ni Nash.

Tumayo naman na ako at nagbihis para maihatid ko man lang si Jazz sa sasakyan.

“Hoy Nash ingatan mo tong mahal ko ah.” Bilin ko kay Nash

“Oo naman no.” sagot n’ya.

“Bakit kasi kailangan pang ayusan eh kahit bagong gising itong si Jazz sya pa rin ang pinakamaganda mamaya sa birthday ko.”

“Hahaha sa paningin mo lang yun.” singit naman ni Vince.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Sa paningin ko kasi wala ng mas gaganda pa kay Nash.” Sabi naman ni Vince.

“Ayyyieeh.” Pang-aasar naman ni Jazz.

“Eh kung sumama na lang kaya ako sa inyo.” Sabi ko.

“Hindi pwede bro, may gagawin ka pa remember?” sabi naman ni Vince.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon