AyenaRaquiza ito na yung pinangako ko sayo ^0^ inaalay ko sayo itong chapter 37.
Chapter 37
Hindi tumupad si Ken sa pangako n’ya. T_________T
*******************************************************
-=JAZZ=-
Mamaya na ang party ni Nash pero wala pa rin balita kung darating na ba si Ken. T____T ang daya n’ya nangako s’ya sakin tapos hindi n’ya tutuparin.
“Jazz, kain na tayo?”
Hindi ko man lang namalayan na nasa kwarto ko na pala si Jericho.
“Sige kayo na lang wala akong gana e.” sagot ko.
“Guys ayaw daw kumain ni Jazz!” sigaw ni Jericho. Maya-maya nag akyatan na rin sina Dennis, Jessie, Justine and Vince.
“Kung hindi ka kakain hindi na rin kami kakain.” Sabi ni Vince.
“Oi kayo lang wag n’yo na ko idamay!” sagot naman ni Jessie. tapos binatukan s’ya ni Jericho.
“Wag ka ng malungkot, wala man si Ken. nandito naman kaming lima.” Sabi naman ni Dennis.
“Salamat sa inyo ah, alam n’yo kung wala kayo siguro nabaliw na ko.” Sagot ko.
“Gusto mo mamasyal tayo?” sabi naman ni Justine.
“Oo tama mamasyal tayo! Text mo yung kaibigan mo isama natin.” Sabi naman ni Jericho.
“Hindi ba pwedeng mamasyal lang? kailangan talaga i-dugtong mo pa yung isama ang kaibigan? nang iinis ka ba?” sabi naman ni Jessie kay Jericho.
“Hindi muna ko sasama sa pamamasyal n’yo ah. Kailangan ko kasing samahan si Nash.” Sagot naman ni Vince.
“Bago kaya kayo magplano itanong n’yo muna kung gusto n’ya ba mamasyal.” Sabi naman ni Dennis.
“Kayo na lang wala akong gana gusto ko lang matulog.” Sagot ko tapos humiga ako sa kama. Umupo naman sila sa bawat sulok ng kama ko.
“Jazz wag ka ng malungkot.” Sabi ni Jessie.
“Oo nga nakakahawa ang kalungkutan mo eh.” Sagot naman ni Justine.
“Lungkot lungkot! Tara na buhatin ang princesa kakain na tayo!” sabi naman ni Vince.
0___0
“B-bitawan n’yo ako ano ba! hoy!”
Wala na akong nagawa binuhat nila ako papunta sa kusina.
“Kayo talaga!” sabi ko naman tapos tinignan ko lang sila ng masama.
“Kumain ka na. sige na po please.” Sabi naman ni Jericho.
Tinignan ko lang ang pag-kain. Wala e. wala talaga akong gana.
Maya-maya. . .
0___0
K-kinakain na ni Jessie ang pag-kain ko tapos sunod sunod na batok ang inabot n’ya, kina Jericho,Dennis,Vince and Justine.
“Aray ko naman! Sayang kasi ang pag-kain kung tititigan n’ya lang gutom na ko talaga eh.” Pagtatanggol ni Jessie sa sarili n’ya.
“Nauubos na talaga ang pasensya ko sayong babae ka! Dalin s’ya sa sasakyan.” Sigaw ni Vince.
-,-
Binuhat nanaman nila ako..
“Saang sasakyan ba?” tanong ni Jericho.
“Dito na lang sakin.” sagot naman ni Justine.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...