CHAPTER 69

4.3K 115 4
                                    

Chapter 69

 

-=Ken=-

 

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaagggggggggggg!!!!!”

 

Bigla akong napadilat ng marinig ko ang boses ni kuya Dennis tapos napatingin ako sa kanya.

 

“Ken, gising na si Jazz!”

 

“A-anong sabi mo?”

 

“Gising na si Jazz, hinahanap ka n’ya.”

 

Dahil sa sinabi ni kuya hindi na ako nag aksaya pa ng oras nagtatakbo na ako papunta sa sasakyan ko at halos paliparin ko na yon. Makarating lang agad sa ospital.

 

0///0

 

Ayun pagdating ko tulog.

 

“Kuuuuuuuuuyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaa!”

 

“H-hindi ako nag bibiro gumising na talaga s’ya kanina. Baka nakatulog lang ulit. Ang importante nagising na s’ya.”

 

“Tama ka hindi na ako aalis dito gusto kong ako na ang una n’yang makita pag-kagising n’ya.”

 

Pero ilang oras na ang nakakalipas hindi pa rin s’ya nagigising.

 

-=Jazz=-

 

Pagkagising ko mag-isa na lang ako wala pa rin si Ken, wala na rin si Dennis. Masakit ang buong katawan ko pati ang ulo ko pero higit sa lahat sobrang sakit ng puso ko. para akong naglakbay sa isang mahabang panaginip pag gising ko iba na ako. ibang-iba na ako. hindi ko maisip na nangyari sakin ito. Natigil ako sa pag-iisip ng marinig kong ang boses ni Ken.

 

“Ang kapal naman ng mukha n’yong pumunta pa dito!”

 

“Gusto ko lang ipaalam sayo na may pinagkasunduan tayo at kailangan mong magpakasal sa anak ko!”

 

“Pumayag lang ako sa gusto n’yo dahil natakot ako sa pagbabanta n’yo! Pero sa halip na ma protectahan si Jazz ako pa ang naglagay sa kanya sa ganitong sitwasyon. Umalis na kayo dito wala akong ibang pakakasalan si Jazz lang hindi na ako natatakot sayo! Kapag ginalaw mo si Jazz papatayin ko ang anak mo sa harapan mo!”

 

Ngayon malinaw na sakin na kaya ako sinaktan ni Ken. ay dahil sa binantaan s’ya. pero hindi na bago sakin yun hindi na ako nabigla don dahil kahit hindi ko pa alam kung anong dahilan alam ko naman na maydahilan talaga s’ya kung bakit. Pero masakit ang puso ko. sobrang sakit. pakiramdam ko tinapon ako.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon