Mr. Pilosopo and Ms. Taong bundok unang pagtatagpo
-=JAZZ=-
Ako ay simpleng babaeng nakatira sa bundok tralala.
Na kung saan wala kang ibang makikita kundi puno…puno at puno.. ^_^ syempre kasama na ung kubong tinitirahan namin ng lola ko.
Naalala ko si lola ko T_T.
Ang hirap tanggapin na wala na yung taong nakasama ko ng labing walong taon.
Oo tama ka ng nabasa wala na ang lola ko. Simula nung nagkaisip ako si lolo at lola na ang kasama ko binawian si lolo nang buhay nung isang taon lang. Ngayon naman si lola napakainggitera talaga nang matandang yon.
Hindi man lang ako naisip iniwan nila ko magisa. Hindi ko alam kung bakit wala akong magulang hindi rin naman nila sinabi eh. Kaya ito kasalukuyan akong nakasakay sa isang napakagandang kalabaw, este sasakyan haha malay ko ba eh sa bundok namin kalabaw lang ang sinasakyan namin. Maganda pa nga ito sa bahay namin ni lola
Bakit ako nskasakay sa magandang sasakyan? Kasi nung minsang ako ay isinama ni lolo na pumunta sa lugar na hindi ko alam kung saan. Basta alam ko maraming tao. meron akong nakilalang isang napakagandang babae. Naglalakad sya tapos may humila ng bag niya. Ako naman pabida ayun hinabol ko sya syempre ang bilis ko. Para ano pa at apo ako ni tarzan kung hindi ko sya mahahabol diba? haha tapos ayon pinukpok ko sya ng baston, malas niya bumili ako ng baston eh ireregalo ko sa lola ko. Ayun tulog s’ya. Binalik ko sa babaeng maganda yung bag niya. Pasalamat naman sya ng pasalamat tapos may inabot sakin maliit na papel na may nakasulat eh pag kailangan ko raw ng tulong tawagan ko sya. eh wala naman akong balak talagang tawagan sya kaso namatay na si lolo wala na rin si lola. wala na kong makakasama sa bundok saka gusto ko rin naman kahit papano eh makalimot. kaya ito papunta ko ngayon sa bahay ng magiging amo ko. Pinapunta ko dito ni mam Alex para pagsilbihan ang anak niya.
“Iha! Nandito na tayo!” –manong driver
“Manong, anglaki po pala ng bahay ni sir”-ako
“Oo, sige baba kana. Pasensya kana hindi na kita maihahatid sa loob kasi kailangan ko ng bumalik kay mam Alex”
Si mam Alex yung babaeng magandang sinasabi ko nanay ng magiging amo ko. Oh alam mo na?
“Tao po! May tao ba d’yan?”
Ok. Ok. Mga pangsampung tawag ko na ito. sino ba kasi naka imbento ng bahay na toh walang kwenta ang bobo niya biruin niyo naglagay pa ng pintuan kita naman loob tapos bakal pa san ka naman kakatok dito? Nasaan ba utak ng gumawa nito? Alangan namang kumatok ako sa bakal bukod sa sasakit ang napakaganda kong kamay eh hindi naman maririnig ng nasa loob.
-=KEN=-
BADTRIP! Napalayas ko nga si Mommy sa bahay para mag isa na lang ako. kaso bibigyan naman daw ako ng katulong. nakakainis talaga sinabi na ngang ayaw kong may kasama eh. At ang mas nakakainis pa don pumayag ako wala akong magagawa eh mas gusto ko na yon kesa naman si mommy ang kasama ko atleast yung katulong madaling mapapasunod sa mga gust---
3#^%$&(#&%*(*YBDCSY#**weubHugz!!!
WTF
Sino yung nakahiga? Ako ba nakabangga ron? Hindi naman siguro nakita ko nakahiga na sya kaya nga ako nqka pag preno bigla, talagang tanong ko sagot ko eh noh? Ano ba mapapala ko pag kayo ang tinanong ko?
Bumaba na ko para tignan sya…
Tulog? Bakit dito natutulog tong babaeng ito?
“hoy! Gumising ka nga dyan!”
. . . .
(O_o)
Hindi s'ya gumigising, pano ko ba gigisingin ito? Hindi ko hahayaang marumihan ang kamay ko sa kanya. kaya itinaas ko na lang ang paa ko para kalabitin s'ya. tama ka ng basa paa ko ang kumalabit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...