CHAPTER 15
(Minsan talaga may sinasabi itong puso ko. na hindi iniisip ng utak ko. kaya dumidiretso agad sa bibig ko.)
-=Ken=-
Kanina pa ko dito sa labas ng pintuan ni TB. Nakakatawa no. nung nasa sasakyan ako halos paliparin ko na yun makarating lang dito. Ngayong nandito na ako. hindi ako makapasok. Galit pa ko e. naalala ko yung sinabi ko sa kanya kanina…
“Ganon? O Sige. Pababayaan na kita. Kahit lagnatin ka pa. wala na akong pakialam. Kahit silip. Hinding hindi kita sisilipin. Tandaan mo yan.”
Haist. Ano ba yan. Pababayaan ko na nga lang s’ya.
*Blaaaaaagz….
Tumalikod na ko at pabalik na sana ako sa kwarto ko kaso biglang may narinig akong bumagsak.
“Anong nangya-.” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagulat ako sa nakita ko. Si Tb nasa sahig na s’ya.
“K-Ken.”
Yun lang ang sinabi n’ya tapos nawalan na s’ya nang malay. Ano ba ginagawa n’ya sa sahig? Binuhat ko s’ya at dinala sa kama n’ya. grabe sobrang inet n’ya.
Pinupunasan ko na s’ya ng malamig na tubig.
“S-salamat at dumating ka ken.”
Gising pala s’ya nakapikit lang.
“Matigas kasi ang ulo mo! Yan tuloy napala mo.”
“Wag ka nang magalit. Sorry na.”
“Sus dumilat ka nga d’yan. Ano bang pinipikit pikit mo? Mag sosorry ka naka pikit ka.”
“Ayaw ko kasing makitang galit ka sakin e.”
“Sinong hindi magagalit sa ginawa mo. Pinili na nga kita. Pinagluto. Inalagaan magdamag tapos ipapahiya mo ko. Ganun ganun lang yun?”
“Sorry na please. Wag ka ng magalit sakin. Masama lang talaga pakiramdam ko.”
“Tandaan mo! Dumami man ang tao sa paligid mo. Mawawala rin sila lahat. Ako? Kahit anong mangyari mananatili ako sa tabi mo.”
Pagkasabi ko non biglang tumulo ang luha n’ya. nataranta tuloy ako.
“Oo na sige na bati na tayo. Psssht wag kana umiyak.” Sabi ko tapos pinunasan ko ang luha n’ya.
“Ikaw kasi bakit ang sweet mo? Naiyak tuloy ako.”
“Ewan ko masanay kana. Minsan talaga may sinasabi itong puso ko na hindi iniisip ng utak ko kaya dumidiretso agad sa bibig ko.”
Ngumiti lang s’ya.
“Hoy! Bakit ba nakapikit ka pa rin d’yan hindi na nga ako galit.”
“Baka kasi nananaginip lang ako. Ayaw ko na gumising.”
“Baliw!” sabi ko. sabay pitik sa ilong.
“Aray! Bakit mo ba ko pinitik sa ilong?”
“Para malaman mong hindi ito panaginip. O diba effective dumilat ka.”
“Ewan ko sayo!”
“O ano okay ka na ba?”
“Oo salamat ken. Sana palagi na lang ako may sakit. Para sweet ka sakin.”
“Aba abuso ka. Baka gusto mong sipain kita pabalik sa bundok na pinanggalingan mo.”
“Sige para maisumbong kita sa lolo at lola ko.”
“Pwede ba? wag mo kong takutin. sa buhay nga hindi ako natatakot sa multo pa kaya.”
“Talaga lang ah. Pumunta ka nga sa bundok ngayon?”
“Ano ko uto-uto? Bakit naman ako pupunta ron. Kung ano-ano iniisip mo. Umusog ka na nga ron. Magpapahinga na ko inaantok na ko eh.”
“E bakit ka dito matutulog?”
“E diba gusto mo dito ko matulog?”
“Hala wala naman nang kulog.”
“Kahit na. mamaya lagnatin ka nanaman. Ano? Gusto mo pang magpabalik balik ako dito para lang i-check ka?”
“Kunwari ka pa gusto mo lang ako makatabi.” ^___^
“Anong gusto? Ayaw ko nga no. ang ingay ingay mo! Ka-babae mong tao naghihilik ka.”
“Ang kapal mo hindi ah!”
“Bakit mo alam? Naririnig mo ba?”
“OO narinig ko. Kaya alam ko hindi ako naghihilik.”
“Bobo ka talaga. Nakakainis ka kausap!”
“A-anong sabi mo?”
“Bobo ka! Bobo na binge pa.”
“Hindi ako Bobo no.”
“Kung hindi ka bobo anong tawag dun sa naririnig mo hilik mo? Malamang maririnig mo lang yan pag gising ka. Kung gising ka hindi ka talaga maghihilik.”
“Hmp ewan.”
“Umusog ka na nga. Para wag na tayo magtalo nakakapagod kang kausap.”
“Paano ka hindi mapapagod e sigaw ka ng sigaw.”
Hayst grabe kahit maysakit s’ya hindi s’ya nauubusan ng sagot. Hindi na lang ako sasagot hindi naman ako mananalo sa kanya. Inusog ko na lang s’ya. tapos nahiga na ko.
“Ken, gising ka pa ba?”
“Bakit nanaman?”
“Nagugutom ako. Yung sopas pa yung huling kaen ko eh.”
“What?!”
“Uulitin ko ba yung sinabi ko?”
“Bakit hindi ka kumain? Hindi ka man lang nila pinakain?”
“Hindi. Kasi pinaalis ko sila. Nagalit ka kasi sakin dahil sa kanila kaya pinaalis ko sila.”
Nagulat ako sa sinabi n’ya. umalis pa ko. Naiwan tuloy s’ya mag isa.
“Ano ba ang gusto mong kainin?”
“Gusto ko ng pancit.”
“Okay.”
Bumaba na ko para ipagluto s’ya.
“Here’s your pancit” sabi ko habang hawak hawak ko na yung pancit n’ya.
“Thank you! Hmmmnn ang bango.”
“Ang bango? e bakit tinititigan mo lang? ayaw mo ata.” Sabi ko sabay layo sa pancit.
“Hindi a. gusto ko nga e. kaya lang parang nanghihina ako. Kahit ata tinidor hindi ko mahahawakan.”
“Arte gusto mo lang subuan kita e.”
“Pwede ba?” ^__^
“May magagawa ba ko? E kesa naman masayang itong pancit ko.”
Inupo ko na s’ya tapos sinubuan.
“Hmmnn ang sarap.” ^____^
“Masarap talaga yan. Ako nagluto e.”
Tapos ko s’yang pakainin. Pinainom ko s’ya ulit ng gamot. Tapos inihiga ko na s’ya.
“Matulog ka na.”
“Sige. Salamat ken.”
Salamat din at natulog ka na. sagot ko sa isip ko. Siguro naman makakatulog na rin ako. Hindi ko ugaling magdasal bago matulog. Hinihiling ko lang na sana magaling na s’ya bukas.
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...