Chapter 29
Status: <3 In a relationship with Ken Lee Montreal.
-=JAZZ=-
Parang may sayad talaga itong si Ken. Kanina ang sweet n’ya sakin ngayon mainit nanaman ang ulo n’ya.
“Woi! Ken bakit ganyan ka?”
“Anong paki mo? ikaw nga hindi ko tinatanong kung bakit ganyan ka!”
“Eh bakit ano ba ako?”
“Malamang tao!”
0///0
“Namimilosopo ka nanaman eh. Galit ka ba sakin?”
“Hoho, hindi…hindi.. tuwang tuwa nga ako sayo e! sa sobrang tuwa ko parang gusto kitang ibalik sa bundok na pinanggalingan mo.”
Sagot n’ya parang kabaliktaran nanaman ang ibig sabihin.
“Ken naman e. sorry na.”
Sobrang pag pa-pa-cute na nagawa ko. Hindi pa rin umepekto. Tama bang layasan ako. Hmp, ang sama ng ugali.
“EH DI WAG KUNG AYAW MONG TANGGAPIN ANG SORRY KO! ANG HIRAP MONG SUYUIN! BAHALA KA SA BUHAY MO!”
Sinigaw ko talaga para marinig n’ya, nakaakyat na kasi s’ya sa taas e.
O_O?
May hinagis s’ya ano kaya yun. Lumapit naman ako agad sa pinag hulugan.
Si…
si…
J-J-Jake T_____T
Huhu ang sama ng ugali n’ya. hinulog n’ya yung anak namin. Nakakainis na talaga s’ya.
Umakyat na ko para awayin s’ya. sinipa ko yung pinto n’ya kaya nakita kong nagulat s’ya.
0///0
“Hoy ikaw! Kung galit ka sakin wag mong idamay ang anak natin!”
“Correction, anak mo lang!”
“Ang sama talaga ng ugali mo!” yun na lang ang nasabi ko tapos tumalikod na ko para umalis.
“Mas masama ang ugali mo! ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa nagagalit!” sigaw n’ya.
“Nag Sorry na ko diba? E nakakapagod ka suyuin!”
“Talaga? Alam mo bang ginawa mo? dahil sayo kinaladkad ako ng mga pulis na yun papunta sa presinto! Nakita ako ng mga kapit-bahay natin wala na kong mukhang maiiharap pa sa kanila! Nakakabwiset ka! Ikaw ang pangalawang taong naging dahilan kung bakit ako napunta sa kulungan. At ang mas nakakainis pa! nag sorry ka lang hinaluan mo ng konting pa-cute napagod ka na? anong nakakapagod don? Yung paghaba ng nguso mo? o yung pagpikit pikit mo? samantalang ako! Ginagawa ko lahat pag nagagalit ka. Pinagluluto kita, kinakantahan kita, sinusundo kita lahat na ginawa ko pero napagod ba ko? Sinukuan ba kita? Hindi diba? Kahit nga galit ako sayo sinundo pa kita kasi ayaw ko mapahamak ka! Pero ako ano? Pinahamak mo ko! Buti pa yang mukhang unggoy na manika nay an may pakialam ka!”
BINABASA MO ANG
Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)
RomanceMr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng maayos. Pero paano kung si Mr. Pilosopo at suplado eh nakahanap ng katapat niya? Naisip niyo na ba kung sino ang katapat niya? masungit at pi...