CHAPTER 62

3.9K 110 2
                                    

Chapter 62

-=Jazz=-

 

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana ng kwarto. Kinapa-kapa ko nama si Ken sa tabi ko. pero wala akong nakapa kaya napabangon ako. at napangiti ako pagkakita ko sa mga nagkalat na rosas sa sahig ng kwarto.  Si Ken talaga oh araw araw na lang akong pinapakilig. Sinundan ko naman ang mga rosas at lalong lumaki ang pagkakangiti ko ng makita ko sa dulo si Ken na may kagat-kagat na rosas. Nang makalapit ako inilagay n’ya sa may tenga ko ang rose.

“Good morning.” Sabi n’ya sabay halik sa noo ko.

“Good morning din ang sweet mo naman. Baka masanay ako a.”

“Ayos lang wala naman akong planong itigil ito. Magbihis ka na hintayin kita sa labas.”

“Bakit?”

“Mag-aalmusal tayo.”

“Sa labas?”

“Oo”

“Meron ba dito? Parang wala naman akong nakikita makakainan sa labas.”

“Wala ka bang  tiwala sa boyfriend mong gwapo?”

“Syempre naman meron.”

“Yun pala e. bihis na tapos hintayin mo ako sa labas.”

Ang tagal naman non ni Ken. san ba kasi nag punta yun?

“TB!”

Napalingon naman ako. at napangiti nang makita kong nag b-bike si Ken palapit sakin. ang ganda ng bike e parang dalawa na pinag-isa ang gulo no? haha tignan n’yo na lang sa picture sa gilid.

“Ano ka ba? bakit mo ko tinatawag na TB?”

“Wala lang namiss ko lang tawagin kang TB.”

“D’yan ba tayo sasakay?” sabi kong hindi naman halatang excited na akong makasakay.

“Oo halika na bilis gutom na ako.”

Dinama ko naman ang pag b-bike namin ang saya kasi.

“Bakit ka huminto?” tanong ko nang maramdaman kong huminto si Ken.

“Nandito na po tayo.” Sagot n’ya. agad ko namang nilibot ang paningin ko sa paligid. Mangiyak ngiyak na napayakap na lang ako kay Ken. Simple lang naman ang ayos n’ya pero isipin mong ginawa ni ken yun mag isa nakakataba ng puso talaga. May mesang puno ng pagkain na siguradong niluto lahat ni Ken. tapos nasa gitna s’ya ng mga batong inayos na korteng puso tapos may mga nagkalat na rose petals sa paligid.

“Nagustuhan mo ba?”

“Oo naman siguradong napagod ka.”

“Pag dating sayo hindi ako napapagod.”

“Talaga lang a.”

“Oo naman mahal kita e.”

Pag tapos namin kumain nag swimming naman kami at ito binoblower ni Ken ang buhok ko.

“Ang hirap pala patuyuin ng buhok mo.”

“Ako na lang kasi.”

“Wag na mangangawit ka.”

Maya-Maya naramdaman kong may humahalik na sa likod ko.

“Pasensya ka na, hindi ko napagilan ang sarili ko.”

Tapos niyakap n’ya ako mula sa likod.

Naging masaya naman ang isang linggong bakasyon namin ni Ken. sa rest house nila kung pwede nga lang sana wag nang bumalik si Grace.

Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon